Federal housing law
0917 Publ 1 (TL) (PDF)
Federal housing law as enacted — verbatim and citable.
- Edition
- 2026-10-03
- Last updated
- 2026-10-04
- Jurisdiction
- United States
Official source: IRS Forms, Instructions & Publications (https://www.irs.gov/pub/irs-pdf/p1tl.pdf), retrieved 2026-10-03. U.S. Government work (17 U.S.C. § 105).
Publication 1 (TL) (Rev. 9-2017) Catalog Number 74805X Department of the Treasury Internal Revenue Service IRS.gov
Mga Pagsisiyasat, Apela, Pagkolekta, at Refund.¶
Mga Pagsisiyasat (Mga Pag-oodit) Tinatanggap namin ang karamihan sa mga return ng mga nagbabayad ng buwis gaya ng naka-file. Kung magtatanong kami ng tungkol sa iyong return o pinili ito para sa pagsisiyasat, hindi nito ipinapahiwatig na ikaw ay hindi tapat. Ang pagtatanong o pagsisiyasat ay maaari o maaaring hindi magresulta sa higit pang buwis. Maaari naming isara ang iyong kaso nang walang pagbabago; o, maaaring isauli sa iyo ang iyong ibinayad.
Ang proseso ng pagpili sa return para sa pagsisiyasat ay karaniwang nagsisimula sa isa sa dalawang paraan. Una, gumagamit kami ng mga program sa computer upang tukuyin ang mga return na maaaring mayroong hindi tamang halaga. Ang mga program na ito ay maaaring batay sa impormasyon sa mga return, gaya ng mga Porma 1099 at W-2, sa mga pag-aaral sa mga nakaraang pagsisiyasat, o sa mga partikular na isyung tinukoy sa mga proyekto ng pagsunod. Pangalawa, gumagamit kami ng impormasyong galing sa labas na nagpapahiwatig na ang isang return ay maaaring may mga hindi tamang halaga. Maaaring maging kabilang sa mga pinagmumulang ito ang mga pahayagan, pampublikong rekord, at indibidwal. Kung natagpuan naming tumpak at maaasahan ang impormasyon, maaari namin itong gamitin upang piliin ang return para sa pagsisiyasat.
Ipinapaliwanag ng Publikasyon 556, Pagsisiyasat ng mga Return, mga Karapatan sa Apela, at mga Paghahabol para sa Refund (Publication 556, Examination of Returns, Appeal Rights, and Claims for Refund), ang mga patakaran at pamamaraang sinusunod namin sa mga pagsisiyasat. Ang mga sumusunod na seksyon ay nagbibigay ng pangkalahatang pananaw sa kung paano namin isinasagawa ang mga pagsisiyasat. Sa Pamamagitan ng Koreo Marami kaming pinangangasiwaang pagsisiyasat at katanungan sa pamamagitan ng koreo. Magpapadala kami sa iyo ng liham na may kahilingan ng karagdagang impormasyon o dahilan kung bakit maaaring kailanganing baguhin sa iyong return. Maaari kang sumagot sa pamamagitan ng koreo o maaari kang humiling ng personal na panayam kasama ang tagasiyasat. Kung ipapadala mo sa amin sa pamamagitan ng koreo ang hiniling na impormasyon o magbibigay ng paliwanag, maaari o maaaring hindi kami sumang-ayon sa iyo, at ipapaliwanag namin ang mga dahilan para sa anumang mga pagbabago. Mangyaring huwag mag-atubiling sumulat sa amin ng tungkol sa anumang hindi mo nauunawaan. Sa pamamagitan ng Panayam Kung aabisuhan ka namin na isasagawa namin ang pagsisiyasat sa iyo sa pamamagitan ng personal na panayam, o kung hihilingin mo ang naturang panayam, mayroon kang karapatang humiling na maisagawa ang pagsisiyasat na iyon sa makatuwirang oras o lugar na kumbinyente para sa iyo at sa IRS. Kung nagmungkahi ang aming tagasiyasat ng anumang mga pagbabago sa iyong return, ipapaliwanag niya ang mga dahilan para sa mga pagbabago. Kung hindi ka sumasangayon sa mga pagbabagong ito, maaari kang makipagpulong sa superbisor ng tagasiyasat. Pag-ulit ng mga Pagsisiyasat Kung siniyasat namin ang iyong return para sa parehong mga item sa 2 nakaraang taon at hindi nagmungkahi ng pagbabago sa iyong pananagutan sa buwis, mangyaring makipagugnay sa amin sa lalong madaling panahon nang sa gayon ay matingnan namin kung dapat naming ihinto ang pagsisiyasat. Mga Apela Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga iminumungkahing pagbabago ng tagasiyasat, maaari mong i-apela ang mga ito sa Appeals Office ng IRS. Ang karamihan sa mga pagkakasalungat ay nalulutas nang hindi magastos at gumugugol
ng mahabang oras na mga paglilitis sa korte. Detalyadong ipinapaliwanag ang iyong mga karapatan sa apela sa Publikasyon 5, Ang Iyong mga Karapatan sa Apela at Paano Ihanda ang Protesta Kung Hindi Ka Sumasang-ayon (Publication 5, Your Appeal Rights and How To Prepare a Protest If You Don’t Agree), at Publikasyon 556, Pagsisiyasat ng mga Return, mga Karapatan sa Apela, at mga Paghahabol para sa Refund (Publication 556, Examination of Returns, Appeal Rights, and Claims for Refund).
Kung hindi mo ninanais na gamitin ang Appeals Office o hindi sumasang-ayon sa mga natuklasan nito, maaari mong dalhin ang iyong kaso sa U.S. Tax Court (Korte para sa Buwis ng U.S.), U.S. Court of Federal Claims (Korte para sa mga Pederal na Paghahabol ng U.S.), o sa U.S. District Court (Distrito ng Korte ng U.S.) kung saan ka naninirahan. Kung dadalhin mo ang iyong kaso sa korte, magkakaroon ng pananagutan ang IRS na patunayan ang ilang katotohanan kung nagtabi ka ng mga sapat na rekord upang ipakita ang iyong pananagutan sa buwis, nakipagtulungan ka sa IRS, at natugunan ang ilang iba pang kondisyon. Kung sumasangayon sa iyo ang korte sa karamihan sa mga isyu sa iyong kaso at natagpuang sa kabuuang hindi napatunayan ang aming posisyon, maaari mong mabawi ang ilan sa aming administatibong gastos at gastos sa paglilitis. Hindi ka magiging karapatdapat sa pagbawi sa mga gastos na ito maliban kung sinubukan mong lutasin ang iyong kaso sa administratibong paraan, kabilang ang pagdaan sa sistema ng mga apela, at binigyan mo kami ng impormasyong kailangan upang malutas ang kaso. Mga Pagkolekta Ipinapaliwanag sa Publikasyon 594, Proseso ng Pagkolekta ng IRS (Publication 594, The IRS Collection Process), ang iyong mga karapatan at responsibilidad tungkol sa pagbabayad ng mga pederal na buwis. Ipinapaliwanag nito:
Ang gagawin kapag may pagkakautang kang mga buwis. Ipinapaliwanag nito ang gagawin kung nakatanggap ka ng singil na buwis at ang gagawin kung sa tingin mo ay mali ang singil. Saklaw din nito ang mga paunti-unting pagbabayad, pagpapaantala ng aksyon ng pagkolekta, at pagsusumite ng handog na magkompromiso.
Mga aksyon ng pagkolekta ng IRS. Saklaw nito ang mga lien, pagpapalabas ng lien, mga ipinapataw, paglalabas ng ipinapataw, mga pagsamsam at pagbebenta, at pagpapalabas ng ari-arian.
Sertipikasyon ng IRS sa State Department (Kagawaran ng Estado) ng napakadelingkwenteng utang sa buwis, na sa pangkalahatan ay magreresulta sa pagtanggi sa aplikasyon para sa pasaporte at maaaring mauwi sa pagbawi ng pasaporte.
Ang iyong mga karapatan sa apela sa pagkolekta ay detalyadong ipinapaliwanag sa Publikasyon 1660, Mga Karapatan sa Apela sa Pagkolekta (Publication 1660, Collection Appeal Rights). Kaluwagan sa Inosenteng Asawa Sa pangkalahatan, ikaw at ang iyong asawa ay parehong responsable sa pagbabayad ng buong halaga ng buwis, interes, at mga multa dahil sa inyong magkasamang return. Ngunit, kung kuwalipikado ka para sa kaluwagan sa inosenteng asawa, maaari kang makatanggap ng kaluwagan sa bahagi o kabuuan ng magkasamang pananagutan. Upang humiling ng kaluwagan, dapat kang magfile ng Porma 887, Kahilingan para sa Kaluwagan sa Inosenteng Asawa (Form 8857, Request for Innocent Spouse Relief). Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kaluwagan ng inosenteng asawa, tingnan ang Publikasyon 971, Kaluwagan sa Inosenteng Asawa (Publication 971, Innocent Spouse Relief), at Porma 8857 (Form 8857). Mga Potensyal na Ikatlong Partidong Kontak Sa pangkalahatan, direktang makikitungo ang IRS sa iyo o sa iyong awtorisadong kinatawan. Ngunit,
paminsan-minsan ay nakikipag-usap kami sa ibang tao kung kailangan namin ng impormasyong hindi mo naibigay, o upang beripikahin ang impormasyong aming natanggap. Kung makikipag-ugnay kami sa ibang tao, gaya ng isang kapitbahay, bangko, empleyado o mga empleyado, karaniwang kailangan naming bigyan sila ng limitadong impormasyon, gaya ng iyong pangalan. Pinagbabawalan kami ng batas na magsiwalat ng anumang higit pang impormasyon kaysa kailangan upang makuha o maberipika ang impormasyong hinahanap namin. Maaaring magpatuloy ang aming pangangailangang makipag-ugnay sa ibang tao hangga't may aktibidad sa iyong kaso. Kung makikipag-ugnay kami sa ibang tao, may karapatan kang humiling ng listahan ng mga kinontak. Maaari mong isagawa ang kahilingan sa pamamagitan ng telepono, sa paraang nakasulat,
sa panahon ng personal na panayam. Mga Refund Maaari kang maghain ng paghahabol para sa refund kung sa tingin mo ay labis ang ibinayad mong buwis. Sa pangkalahatan, dapat kang maghain ng paghahabol sa loob ng 3 taon mula sa petsang nag-file na ng iyong orihinal na return
2 taon mula sa petsang nagbayad ka ng buwis, anuman ang mas nahuli. Karaniwang nagpapataw ang batas ng interes para sa pagsasauli sa iyong ibinayad kung hindi ito nabayaran sa loob ng 45 araw mula sa petsang nag-file ka ng iyong return
paghahabol para sa refund. Ang Publikasyon 556, Pagsisiyasat ng mga Return, mga Karapatan sa Apela, at mga Paghahabol para sa Refund (Publication 556, Examination of Returns, Appeal Rights, and Claims for Refund), ay may karagdagang detalye sa mga refund.
Kung dapat nang ibigay sa iyo ang refund ngunit hindi ka nag-file ng return, karaniwang dapat mong i-file ang iyong return sa loob ng 3 taon mula sa huling petsa kung kailan dapat i-file ang return (kabilang ang mga pagpapalawig) upang makuha ang refund na iyon. Taxpayer Advocate Service Ang TAS ay isang malayang organisasyon sa loob ng IRS na maaaring tumulong sa pagprotekta sa iyong mga karapatan bilang nagbabayad ng buwis. Makakapagbigay kami sa iyo ng tulong kung ang iyong problema sa buwis ay nagdudulot ng kahirapan, o kung sinubukan ngunit hindi mo nalutas ang iyong problema sa IRS. Kung kuwalipikado ka sa aming tulong, na laging libre, gagawin namin ang lahat ng posible upang matulungan ka. Bumisita sa www.taxpayeradvocate.irs.gov - tumawag sa 1-877-777-4778. Impormasyon sa Buwis Nagkakaloob ang IRS ng mga sumusunod na mapagkukunan ng mga porma, publikasyon, at karagdagang impormasyon.
Mga Katanungan tungkol sa Buwis: 1-800-829-1040 (1-800-829-4059 para sa TTY/TDD)
Mga Porma at Publikasyon: 1-800-829-3676 (1-800-829-4059 para sa TTY/TDD)
Internet: www.irs.gov
Small Business Ombudsman (Ombudsman para sa Maliit na Negosyo): Maaaring makibahagi ang isang entidad ng maliit na negosyo sa prosesong panregulatoryo at magkomento sa mga aksyon ng pagpapatupad ng IRS sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-888-REG-FAIR.
Treasury Inspector General for Tax Administration (Inspektor Heneral para sa Pananalapi para sa Pangasiwaan ng Buwis): Maaari mong iulat ang maling pag-uugali, pagaaksaya, panlilinlang, o pang-aabuso ng isang empleyado ng IRS sa kumpidensyal na paraan sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-800-366-4484 (1-800-877-8339 para sa TTY/TDD). Maaari kang manatiling hindi isinisiwalat ang pagkakakilanlan.