Federal housing law
1025 Form 15080 (tl) (PDF)
Federal housing law as enacted — verbatim and citable.
- Edition
- 2026-10-03
- Last updated
- 2026-10-04
- Jurisdiction
- United States
Official source: IRS Forms, Instructions & Publications (https://www.irs.gov/pub/irs-pdf/f15080tl.pdf), retrieved 2026-10-03. U.S. Government work (17 U.S.C. § 105).
Porma 15080¶
(Oktubre 2025)
Department of the Treasury - Internal Revenue Service Pahintulot na Isiwalat ang Impormasyon sa Tax Return (Tala ng Buwis)
sa mga Lugar ng VITA/TCE na Pinaghahandaan ng Buwis
Pederal na Pagsisiwalat: Iniaatas ng pederal na batas na maibigay sa inyo ang form ng pahintulot na ito. Maliban kung binigyang-awtorisasyon ng batas, hindi namin maaaring isiwalat ang impormasyon sa inyong tala ng buwis sa ibang mga partido, para sa mga layuning bukod sa paghahanda at pagsusumite ng inyong tala ng buwis nang wala ang pahintulot ninyo. Kung pahihintulutan ninyo ang pagsisiwalat sa impormasyon sa inyong tala ng buwis, maaaring hindi maprotektahan ng Pederal na batas mula sa karagdagang paggamit o distribusyon ang impormasyon sa inyong tala ng buwis.
Hindi kayo inaatasang kumpletuhin ang form na ito para makibahagi sa aming mga serbisyo sa paghahanda ng tala ng buwis. Kung kukunin namin ang inyong lagda sa form na ito bilang kondisyon para mapakinabangan ninyo ang aming mga serbisyo sa paghahanda ng tala ng buwis, hindi magiging balido ang inyong pahintulot. Kung kayo ay sumasang-ayon sa pagsisiwalat ng inyong impormasyon sa tala ng buwis, balido ang inyong pahintulot sa haba ng panahon na inyong isasaad. Kung hindi ninyo isasaad ang itatagal ng inyong pahintulot, magiging balido ang inyong pahintulot sa loob ng isang taon mula sa petsa ng paglagda.
Mga Tuntunin: Pinapayagan ng Global Carry Forward ng datos ang TaxSlayer LLC, ang provider ng VITA/TCE na tax software, na gamitin ang impormasyon sa inyong tala ng buwis ng ALINMANG lugar na nagboboluntaryo sa programang VITA/TCE ng IRS na pipiliin ninyong maghanda ng tala ng buwis sa susunod na panahon ng pagsusumite. Nangangahulugan ito na makakapunta kayo sa anumang nagboboluntaryong lugar na gumagamit ng TaxSlayer sa susunod na taon, at mapapapunan ang inyong tala ng buwis ng datos ninyo para sa kasalukuyang taon, saanman kayo nagsumite ng inyong tala ng buwis sa taong ito. Balido ang pahintulot na ito hanggang Nobyembre 30, 2027.
Kasama ngunit hindi limitado sa isisiwalat na impormasyon sa tala ng buwis ang impormasyong pangdemograpiko, pinansyal, at iba pang personal na impormasyon na makakatukoy ng pagkakakilanlan, tungkol sa inyo, sa inyong tala ng buwis, sa pinagkukunan ninyo ng kita, na nailagay sa software sa paghahanda ng buwis, para sa layunin na maihanda ang inyong tala ng buwis. Kasama sa impormasyong ito ang inyong pangalan, address, petsa ng kapanganakan, numero ng telepono, SSN, katayuan ng pagsusumite, trabaho, pangalan at address ng employer, ang mga halaga at pinagkukunan ng kita, mga pagkakaltas at pagdaragdag na nakasaad sa, o na kasama sa inyong tala ng buwis. Kasama rin sa impormasyon sa tala ng buwis na isisiwalat ang pangalan, SSN, petsa ng kapanganakan, at kaugnayan ng sinumang mga umaasa (dependents) na nakasaad sa inyong tala ng buwis.
Hindi ninyo kailangang magbigay ng pahintulot para sa VITA/TCE partner na naghahanda ng inyong tala ng buwis para sa taong ito. Tutulungan lang kayo ng Global Carry Forward kung pupunta kayo sa ibang VITA o TCE partner na gumagamit ng TaxSlayer sa susunod na taon. May karapatan kang makatanggap ng napirmahang kopya ng form na ito.
Limitasyon sa Itatagal ng Pahintulot: Ako/kami, ang nagbabayad ng buwis, ay hindi gustong limitahan ang itatagal ng pahintulot ng pagsisiwalat ng impormasyon sa tala ng buwis sa isang petsang mas maaga kaysa sa nakasaad sa itaas (Nobyembre 30, 2027). Kung gusto ko/naming limitahan ang itatagal ng pahintulot ng pagsisiwalat sa mas maagang petsa, hindi ko/namin ibibigay ang pahintulot.
Limitasyon sa Saklaw ng Pagsisiwalat: Ako/kami, ang nagbabayad ng buwis, ay hindi gustong limitahan ang saklaw ng pagsisiwalat ng impormasyon sa tala ng buwis nang lampas pa sa nakasaad sa itaas. Kung gusto ko/naming limitahan ang saklaw ng pagsisiwalat ng impormasyon sa tala ng buwis nang lampas pa sa nakasaad sa itaas, hindi ko/namin ibibigay ang pahintulot.
Pahintulot: Nabasa ko/namin, ang nagbabayad ng buwis, ang impormasyon sa itaas.
Sa pamamagitan nito, pinahihintulutan ko/namin ang pagsisiwalat ng impormasyon sa tala ng buwis na inilarawan sa mga tuntunin ng Global Carry Forward sa itaas, at papayagan ang tagapaghanda ng tala ng buwis na maglagay ng PIN sa software sa paghahanda ng buwis para sa akin, upang maberipika na ako/kami ay nagbigay-pahintulot sa mga tuntunin ng pagsisiwalat na ito.
Nakasulat na pangalan at lagda ng pangunahing nagbabayad ng buwis Petsa
Nakasulat na pangalan at lagda ng ikalawang nagbabayad ng buwis Petsa
Kung sa palagay ninyo ang impormasyon sa inyong tala ng buwis ay isiniwalat o ginamit sa maling paraan na hindi pinahihintulutan ng batas o nang wala ang pahintulot ninyo, maaari kayong makipag-ugnayan sa Treasury Inspector General for Tax Administration (TIGTA) sa pamamagitan ng telepono sa 1-800-366-4484. Report a Crime or IRS Employee Misconduct
- U.S. Treasury Inspector General for Tax Administration (TIGTA).
Catalog Number 71526T www.irs.gov Form 15080 (tl) (Rev. 10-2025)