Skip to content

Federal housing law

1123 Form 14446 (tl) (PDF)

Federal housing law as enacted — verbatim and citable.

Edition
2026-10-03
Last updated
2026-10-04
Jurisdiction
United States

Official source: IRS Forms, Instructions & Publications (https://www.irs.gov/pub/irs-pdf/f14446tl.pdf), retrieved 2026-10-03. U.S. Government work (17 U.S.C. § 105).


Form 14446

(Nobyembre 2023)

Department of the Treasury - Internal Revenue Service

Exceptions & meaning →

Virtual na Pahintulot ng Taxpayer [nagbabayad ng buwis] sa VITA/TCE

Kinakailangan ang form na ito sa tuwing kinukumpleto ang tax return nang walang interaksyon sa pagitan ng nagbabayad ng buwis at ng boluntaryo sa VITA/TCE. Dapat ipaliwanag ng site sa taxpayer ang prosesong gagamitin upang ihanda ang return (ulat ng buwis) ng taxpayer. Kung nararapat dapat ding abisuhan ng mga boluntaryo ang mga taxpayer ng mga kaugnay na panganib kung ililipat ang kanilang data mula sa kinaroonang site patungo sa paroroonang site.

Bahagi I - Dapat kumpletuhin ng VITA/TCE site:

Pangalan ng site

Address ng site (kalye, lungsod, estado, zip code)

Numero ng pagkakakilanlan ng site (Site Identification Number, SIDN) Pangalan ng site coordinator ng site (tagapagtugma)

Pangalan ng contact sa site Numero ng telepono ng contact sa site

Ginagamit ng site na ito ang (mga) sumusunod na Virtual na paraan ng VITA/TCE upang maihanda ang tax return:

A. Site na Paghahatiran: Ang site na ito ay gumagamit ng proseso ng paghahatid at kasama dito ang pagpapanatili ng site sa

personal na makikilalang impormasyon (mga Social Security number, Form W-2, atbp.) upang maihanda ang tax return sa parehong lugar ngunit sa ibang pagkakataon. Sa prosesong ito, ang nagbabayad ng buwis ay babalik sa parehong site para sa pagre-review ng kalidad at/o paglagda sa nakumpletong tax return. Dapat ipaliwanag ng site ang paraang ginagamit nito upang makipag-ugnayan sa nagbabayad ng buwis kung mangangailangan ng karagdagang impormasyon.

Tandaan: Sa mga site kung saan hindi aalis ang nagbabayad ng buwis sa lugar ng site, halimbawa naghihintay sa ibang silid o sa sasakyan, ay HINDI itinuturing na mga site na paghahatiran. Dahil nananatili ang nagbabayad ng buwis sa site, hindi nila kailangang kumpletuhin ang Form 14446. Kung iiwanan ng nagbabayad ng buwis ang kanilang mga dokumento ng buwis sa site at pagkatapos ay aalis sa lugar ng site para sa anumang dahilan, dapat kumpletuhin ng nagbabayad ng buwis ang Form 14446.

B. Site na Tatanggap: Kasama sa paraang ito ang pag-iwan ng taxpayer ng kanilang personal na makikilalang impormasyon

(mga social security number, Form W-2 at iba pang mga dokumento) sa site upang maihanda at/o masuri ang kalidad ng tax return sa ibang lokasyon. Sa prosesong ito, maaaring ipadala ang impormasyon sa tax return ng taxpayer sa ibang lokasyon sa isa o higit pa sa mga sumusunod na dahilan; pakikipanayam sa taxpayer, paghahanda ng tax return, o pagsasagawa ng pagsusuri sa kalidad. Maaaring bumalik sa site na tatanggap ang taxpayer para sa pagsusuri ng kalidad o upang suriin at lagdaan ang nakumpletong tax return.

C. Site nang Paghahanda at/o Pagsusuri ng Kalidad ng Return: Maaaring makatanggap ng mga return ang site na ito mula sa

isa o higit pang mga site na tatanggap upang maihanda at/o masuri ang kalidad ng mga return. Sa karaniwan, hindi tumatanggap ang site na ito ng mga walk-in o appointment sa kanilang lokasyon.

D. Kombinasyong Site: Inihahanda ng site na ito ang mga return para sa ibang permanente o pansamantalang mga site na

tatanggap, at tinutulungan ang mga walk-in at mga appointment sa kanilang lokasyon.

E. 100% Virtual na Proseso ng VITA/TCE: Walang personal na pakikipag-ugnayan sa taxpayer at ng sinumang mga boluntaryo

ng VITA/TCE sa prosesong ito, sa panahon ng pagkuha, pakikipanayam, paghahanda ng return, pagsusuri ng kalidad, at paglagda sa tax return. Dapat ipaliwanag ng site ang mga virtual na proseso at pahintulot. Kasama dito ang mga virtual na pamamaraan sa pagpapadala ng mga kinakailangang dokumento (mga Social Security number, Form W-2 at iba pang mga dokumento) sa pamamagitan ng ligtas na sistema sa pamamahagi ng file upang masuri ng isang nakatalagang boluntaryo.

Catalog Number 68083F www.irs.gov Form 14446 (tl) (Rev. 11-2023)

Pahina 2

Bahagi II: Ang Proseso ng Site:

Ipaliwanag kung paano dapat sundin ang bawat proseso para matulungan ang mga taxpayer sa remote na paraan. Ang mga tanong sa panaklong sa ibaba ay nagbibigay ng gabay sa kung ano ang isasama sa paliwanag para sa bawat proseso:

  1. Pag-i-schedule ng appointment (Paano ginawa ang appointment: sa pamamagitan ng telepono, online portal, email, o sa iba pang paraan)

2. Pagkuha ng Kasunduan sa Pahintulot ng Taxpayer (Paano nilalagdaan, natanggap, at iniimbak ang 14446)

3. Pagsasagawa ng Proseso ng Pagtanggap - pagkuha ng lahat ng mga dokumento (Paano natatanggap, iniimbak at sinusubaybayan ang mga sumusuportang dokumento ng taxpayer)

4. Pagpapatotoo sa pagpapatunay ng taxpayer - pagsusuri sa mga pagkakakilanlan ng larawan at mga Social Security card/ITIN letters (Anong channel ng komunikasyon, personal man o sa pamamagitan ng virtual, ang ginamit upang patunayan ang pagkakakilanlan ng taxpayer at kung aling mga dokumento ang sinusuri)

5. Pakikipanayam sa taxpayer (Anong channel ng komunikasyon, personal man o sa pamamagitan ng virtual, ang ginamit para sa pakikipanayam)

6. Paghahanda ng tax return (Saan inihanda ang tax return at paano na-access ng naghahanda ang mga dokumento)

7. Pakikipag-ugnayan sa taxpayer (Dapat ipaliwanag ng site ang (mga) paraan na ginagamit nito upang makipag-ugnayan sa nagbabayad ng buwis kung kailangan ng karagdagang impormasyon)

8. Pagsasagawa ng pagsusuri sa kalidad (Saan sinusuri ang tax return at paano na-access ng tagasuri ang mga dokumento)

9. Pagbabahagi ng nakumpletong return (Anong channel ng komunikasyon, personal o sa pamamagitan ng vitual, ang ginamit upang ibahagi ang nakumpletong return at paano na-access ng boluntaryo at/o nagbabayad ng buwis ang nakumpletong return)

10. Paglagda sa return (Nilagdaan ba ng taxpayer ang return nang personal o elektroniko at kung elektroniko, anong software ang ginamit para lagdaan ang return)

11. Pag e-file ng tax return (Kailan na-e-file ang return: kaagad o sa pagtatapos ng araw)

Catalog Number 68083F www.irs.gov Form 14446 (tl) (Rev. 11-2023)

Pahina 3

Mananatili sa site ang pangatlong pahina ng form na ito kasama ang lahat ng iba pang kinakailangang dokumento.

Bahagi III: Mga Pahintulot ng Taxpayer:

Paghiling na Suriin ang iyong Tax Return para sa Katumpakan:

Upang tiyakin na tumatanggap ka ng mahusay na mga serbisyo at wastong naihanda na tax return sa site ng boluntaryo, pumipili nang random ang mga empleyado ng IRS ng mga libreng site sa paghahanda ng buwis para sa pagsusuri. Kung may matukoy na mga pagkakamali, gagawin ng site ang mga kinakailangang pagwawasto. Hindi tinatago ng IRS ang anumang personal na impormasyon mula sa iyong sinuri na tax return at ito ay nagbibigay-daan sa kanila na i-rate ang aming mga programa sa paghahanda ng return sa VITA/TCE para sa tumpak na inihandang mga tax return. Kung ayaw mong maisama ang iyong return bilang bahagi ng paraang pagsusuri, hindi ito makakaapekto sa serbisyong ipagkakaloob sa iyo sa site na ito. Kung mapili ang site na naghahanda ng inyong return, pahihintulutan mo ba na suriin ng empleyado ng IRS ang inyong return para sa katumpakan?

Oo Hindi

Pagsisiwalat ng Virtual na Pahintulot:

Kung kayo ay sumasang-ayon na ipahanda ang inyong tax return at ipapamahala ang inyong mga dokumento sa buwis na gaya ng paraan sa itaas, kinakailangan ang inyong lagda at/o pagsang-ayon sa dokumentong ito. Kapag lumagda kayo sa dokumentong ito, ang ibig sabihin ay sumasang-ayon kayo sa mga pamamaraang nakasaad sa itaas para sa paghahanda ng tax return para sa inyo. (Kung ito ay return sa Magkasamang Pagpa-file ng Mag-asawa, dapat lagdaan at lagyan ng petsa ng mag-asawa ang dokumentong ito.) Kung magpapasya kayong hindi lagdaan ang form na ito, baka hindi namin maihanda ang inyong tax return gamit ang prosesong ito. Dahil inihahanda namin ang inyong tax return sa virtual na paraan, kailangan naming kunin ang inyong pahintulot na sumasangayon sa prosesong ito. Kung kayo ay pumapayag na gamitin ang mga virtual na sistemang ito na hindi pang-IRS upang kayo ay isiwalat o gamitin ang impormasyon sa inyong tax return, maaaring hindi maprotektahan ng Pederal na batas ang inyong impormasyon sa tax return pagdating sa iba pang paggamit o distribusyon kapag ang mga system na ito ay na-hack o nilabag nang hindi namin nalalaman. Kung kayo ay sumasang-ayon sa pagsisiwalat ng inyong impormasyon sa tax return, balido ang inyong pahintulot sa haba ng panahon na inyong isasaad. Kung hindi ninyo isasaad ang itatagal ng inyong pahintulot, magiging balido ang inyong pahintulot sa loob ng isang taon mula sa petsa ng paglagda. Kung sa palagay ninyo ay naisiwalat ang impormasyon sa inyong tax return o ginamit sa maling paraan na hindi awtorisado ng batas o wala kayong pahintulot pahintulot maaari kayong makipag-ugnayan sa Treasury Inspector General for Tax Administration (TIGTA) sa pamamagitan ng telepono sa 1-800-366-4484, o sa pamamagitan ng e-mail sa complaints@tigta.treas.gov. Bagama't ang IRS ang may-pananagutan sa pagbibigay ng mga kinakailangang pangangasiwa sa mga programang Volunteer Income Tax Assistance (VITA) at Tax Counseling for the Elderly (TCE), ang mga site na ito ay pinapatakbo ng

mga katuwang na tagataguyod ng IRS na namamahala sa mga kinakailangang pamamalakad sa IRS site at mga ng boluntaryo. At, ang mga lokasyon ng site na ito ay maaaring wala sa loob o sa mismong federal property. Ako ay sumasang-ayon na gamitin ang Virtual na Prosesong ito ng VITA/TCE a e etikal na p pam mantayan
Ako ay sumasang-ayon na gamitin ang Virtual na Prosesong ito ng VITA/TCE Ako ay sumasang-ayon na gamitin ang Virtual na Prosesong ito ng VITA/TCE Ako ay sumasang-ayon na gamitin ang Virtual na Prosesong ito ng VITA/TCE Ako ay sumasang-ayon na gamitin ang Virtual na Prosesong ito ng VITA/TCE Oo Hindi
Nakasulat na pangalan
Nakasulat na pangalan
Naka-print na pangalan (asawa kung kasal na nagpa-file nang
magkasama)
Naka-print na pangalan (asawa kung kasal na nagpa-file nang
magkasama)
Naka-print na pangalan (asawa kung kasal na nagpa-file nang
magkasama)
Naka-print na pangalan (asawa kung kasal na nagpa-file nang
magkasama)
Naka-print na pangalan (asawa kung kasal na nagpa-file nang
magkasama)
Naka-print na pangalan (asawa kung kasal na nagpa-file nang
magkasama)
Petsa ng kapanganakan Petsa Petsa ng kapanganakan Petsa Petsa Petsa Petsa Petsa
Numero ng telepono Numero ng telepono Numero ng telepono Numero ng telepono Numero ng telepono Numero ng telepono Numero ng telepono Numero ng telepono
Email address Email address Email address Email address Email address Email address Email address Email address
O
Lagda (electronic)
SIGN
O
Lagda (electronic)
SIGN
O
Lagda (electronic)
SIGN
O
Lagda (electronic)
SIGN
O
Lagda (electronic)
SIGN
O
Lagda (electronic)
SIGN
O
Lagda (electronic)
SIGN
O
Lagda (electronic)
SIGN
Lagda (i-type/isulat) Lagda (i-type/isulat) Lagda (i-type/isulat) Lagda (i-type/isulat) Lagda (i-type/isulat) Lagda (i-type/isulat) Lagda (i-type/isulat) Lagda (i-type/isulat)

Catalog Number 68083F www.irs.gov Form 14446 (tl) (Rev. 11-2023)

Exceptions & meaning →

GoCodebook provides public access, search, citation, multilingual explanation, and practical interpretation of legally adopted building regulations. It is not a substitute for the official ICC or California code publications.