Federal housing law
1025 Form 13614-C (tl) (PDF)
Federal housing law as enacted — verbatim and citable.
- Edition
- 2026-10-03
- Last updated
- 2026-10-04
- Jurisdiction
- United States
Official source: IRS Forms, Instructions & Publications (https://www.irs.gov/pub/irs-pdf/f13614tl.pdf), retrieved 2026-10-03. U.S. Government work (17 U.S.C. § 105).
Porma 13614-C¶
(Oktubre 2025)
Kakailanganin mo ng:
Department of the Treasury - Internal Revenue Service
Papel ng Pagtanggap/Panayam at Pagsusuri ng Kalidad¶
OMB Number
1545-1964
Impormasyon sa Buwis tulad ng Mga Form W-2, 1099, 1098, 1095.
Mga Social Security card o mga liham ng ITIN para sa lahat ng tao sa iyong tax return
Picture ID (tulad ng valid na driver's license) para sa iyo at sa iyong asawa
Kumpletuhin ang pahina 1-5 ng form na ito.
Ikaw ang may pananagutan para sa impormasyon sa iyong return. Magbigay ng kumpleto at tumpak na impormasyon.
Kung mayroon kang katanungan, tanungin ang sertipikadong boluntaryo na tagapaghanda ng IRS.
Ang mga boluntaryo ay sinanay upang magbigay ng mataas na kalidad ng serbisyo at itaguyod ang pinakamataas na pamantayan sa etika. Para mag-ulat ng hindi etikal na pag-uugali sa IRS, mag-email sa amin sa ts.voltax@irs.gov
Suriin kung ikaw o ang iyong asawa noong 2025 ay:
Mamamayan ng U.S. Ikaw Asawa Hindi
Nasa U.S. na may visa Ikaw Asawa Hindi
Isang full-time na estudyante Ikaw Asawa Hindi
Legal na bulag Ikaw Asawa Hindi
Ganap at permanenteng may kapansanan Ikaw Asawa Hindi
Nagbigay ng identity protection PIN (IPPIN) Ikaw Asawa Hindi
Mga may-ari o may hawak ng anumang mga digital na asset Ikaw Asawa Hindi
Anong wika
Gusto mo ba, o ng iyong asawa kung kasal na magkasamang maghain, na $3 ang mapunta sa Presidential Election Campaign Fund Ikaw Asawa Hindi
Noong Disyembre 31, 2025, ano ang iyong katayuan sa pag-aasawa
Walang Asawa May Asawa Kung mayroon, may asawa ka ba sa huling araw ng taon Oo Hindi
Ikaw ba at ang iyong asawa ay nanirahan nang magkahiwalay sa huling 6 na buwan ng taon Oo Hindi
Diborsiyado
Petsa ng huling desisyon
Legal na Hiwalay pero hindi Diborsiyado
Petsa ng desisyon ukol sa hiwalay na suporta
Balo
Taon ng pagkamatay ng asawa
Pahina 2
Kita: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kaliwang bahagi ng pahinang ito. Lagyan lamang ng check ang mga kahon na naaangkop sa iyo at/o sa iyong asawa.
Pahina 3
Mga Gastos at Mga Kaganapang Kaugnay ng Buwis: Sagutin ang mga tanong sa kaliwang bahagi ng pahinang ito. Lagyan lamang ng check ang mga kahon na naaangkop sa iyo at/o sa iyong asawa.
Pahina 4
Opsyonal na Impormasyon
Ang sumusunod na impormasyon ay para lamang sa istatistikal na layunin. Ang iyong mga tugon sa mga tanong na ito ay hindi bahagi ng iyong tax return at hindi ipinapadala sa IRS kasama ng iyong tax return. Hindi mo kailangang sagutin ang mga tanong na ito.
Kaya mo bang makipag-usap sa Ingles Napakahusay Mahusay Hindi mahusay Hindi talaga Mas piniling huwag sagutin
Ano ang masasabi mo sa pagbabasa mo ng diyaryo sa Ingles Napakahusay Mahusay Hindi mahusay Hindi talaga Mas piniling huwag sagutin
Ikaw ba o sinumang miyembro ng iyong sambahayan ay may kapansanan Oo Hindi Mas piniling huwag sagutin
Ikaw ba o ang iyong asawa ay isang Beterano ng U.S. Sandatahang Lakas Oo Hindi Mas piniling huwag sagutin
Privacy Act and Paperwork Reduction Act Notice
Hinihingi namin ang impormasyong ito para makasali ka sa IRS Volunteer Income Tax Assistance (VITA) at Tax Counseling for the Elderly (TCE) na programa na nagbibigay ng sertipikado-ng-IRS na mga boluntaryong tagahanda ng income tax para tumulong sa paghahanda ng basic income tax return para sa mga kwalipikadong indibidwal. Ang awtoridad ng IRS na kolektahin ang impormasyong ito ay 5 USC section 301 at 26 USC section 7801. Ang impormasyong ibibigay mo ay maaaring ibunyag sa iba na nakikipag-ugnay sa VITA/TCE staffing, outreach, at iba pang aktibidad na may kinalaman sa VITA/TCE. Maaari lamang ibunyag ng IRS ang iyong return at impormasyon sa return at gaya ng iniaatas ng 26 USC section 6103. Ang lahat ng iba pang mga rekord ay maaaring ibunyag lamang para sa mga layunin na itinuturing ng IRS na tugma sa layunin kung bakit kinolekta ng IRS ang mga rekord, at naaayon sa anumang karaniwang pagsisiwalat ng paggamit na inilarawan sa System of Record Notice (SORN) Treasury/IRS 24.030, Customer Account Data Engine (CADE) Individual Master File (IMF). Maaari mong tingnan ang Treasury/IRS SORN sa Treasury SORN website sa Treasury.gov/System of Records Notice (SORNs). Ang pagbibigay ng impormasyong ito ay kusang-loob gayunpaman, kung hindi mo ibibigay ang hiniling na impormasyon, maaaring hindi ka matutulungan ng mga boluntaryo ng IRS sa paghahanda at paghahain ng iyong tax return.
Iniaatas ng Paperwork Reduction Act na magpakita ang IRS ng isang OMB control number sa lahat ng pampublikong kahilingan para sa impormasyon. Ang OMB Control Number para sa pag-aaral na ito ay 1545-1964. Gayundin, kung mayroon kang anumang mga komento tungkol sa mga pagtatantiya ng oras na nauugnay sa pag-aaral na ito o mungkahi para gawing mas simple ang prosesong ito, mangyaring sumulat sa Internal Revenue Service, Tax Products Coordinating Committee, SE:TS:CAR:MP:T:T:SP, 1111 Constitution Ave. NW, Washington, DC 20224.
Catalog Number 58978Z www.irs.gov Form 13614-C (tl) (Rev. 10-2025)
Pahina 5
Mga Karagdagang Tala/Komento
Catalog Number 58978Z www.irs.gov Form 13614-C (tl) (Rev. 10-2025)
Porma 15080¶
(Oktubre 2025)
Department of the Treasury - Internal Revenue Service Pahintulot na Isiwalat ang Impormasyon sa Tax Return (Tala ng Buwis)
sa mga Lugar ng VITA/TCE na Pinaghahandaan ng Buwis
Pederal na Pagsisiwalat: Iniaatas ng pederal na batas na maibigay sa inyo ang form ng pahintulot na ito. Maliban kung binigyang-awtorisasyon ng batas, hindi namin maaaring isiwalat ang impormasyon sa inyong tala ng buwis sa ibang mga partido, para sa mga layuning bukod sa paghahanda at pagsusumite ng inyong tala ng buwis nang wala ang pahintulot ninyo. Kung pahihintulutan ninyo ang pagsisiwalat sa impormasyon sa inyong tala ng buwis, maaaring hindi maprotektahan ng Pederal na batas mula sa karagdagang paggamit o distribusyon ang impormasyon sa inyong tala ng buwis.
Hindi kayo inaatasang kumpletuhin ang form na ito para makibahagi sa aming mga serbisyo sa paghahanda ng tala ng buwis. Kung kukunin namin ang inyong lagda sa form na ito bilang kondisyon para mapakinabangan ninyo ang aming mga serbisyo sa paghahanda ng tala ng buwis, hindi magiging balido ang inyong pahintulot. Kung kayo ay sumasang-ayon sa pagsisiwalat ng inyong impormasyon sa tala ng buwis, balido ang inyong pahintulot sa haba ng panahon na inyong isasaad. Kung hindi ninyo isasaad ang itatagal ng inyong pahintulot, magiging balido ang inyong pahintulot sa loob ng isang taon mula sa petsa ng paglagda.
Mga Tuntunin: Pinapayagan ng Global Carry Forward ng datos ang TaxSlayer LLC, ang provider ng VITA/TCE na tax software, na gamitin ang impormasyon sa inyong tala ng buwis ng ALINMANG lugar na nagboboluntaryo sa programang VITA/TCE ng IRS na pipiliin ninyong maghanda ng tala ng buwis sa susunod na panahon ng pagsusumite. Nangangahulugan ito na makakapunta kayo sa anumang nagboboluntaryong lugar na gumagamit ng TaxSlayer sa susunod na taon, at mapapapunan ang inyong tala ng buwis ng datos ninyo para sa kasalukuyang taon, saanman kayo nagsumite ng inyong tala ng buwis sa taong ito. Balido ang pahintulot na ito hanggang Nobyembre 30, 2027.
Kasama ngunit hindi limitado sa isisiwalat na impormasyon sa tala ng buwis ang impormasyong pangdemograpiko, pinansyal, at iba pang personal na impormasyon na makakatukoy ng pagkakakilanlan, tungkol sa inyo, sa inyong tala ng buwis, sa pinagkukunan ninyo ng kita, na nailagay sa software sa paghahanda ng buwis, para sa layunin na maihanda ang inyong tala ng buwis. Kasama sa impormasyong ito ang inyong pangalan, address, petsa ng kapanganakan, numero ng telepono, SSN, katayuan ng pagsusumite, trabaho, pangalan at address ng employer, ang mga halaga at pinagkukunan ng kita, mga pagkakaltas at pagdaragdag na nakasaad sa, o na kasama sa inyong tala ng buwis. Kasama rin sa impormasyon sa tala ng buwis na isisiwalat ang pangalan, SSN, petsa ng kapanganakan, at kaugnayan ng sinumang mga umaasa (dependents) na nakasaad sa inyong tala ng buwis.
Hindi ninyo kailangang magbigay ng pahintulot para sa VITA/TCE partner na naghahanda ng inyong tala ng buwis para sa taong ito. Tutulungan lang kayo ng Global Carry Forward kung pupunta kayo sa ibang VITA o TCE partner na gumagamit ng TaxSlayer sa susunod na taon. May karapatan kang makatanggap ng napirmahang kopya ng form na ito.
Limitasyon sa Itatagal ng Pahintulot: Ako/kami, ang nagbabayad ng buwis, ay hindi gustong limitahan ang itatagal ng pahintulot ng pagsisiwalat ng impormasyon sa tala ng buwis sa isang petsang mas maaga kaysa sa nakasaad sa itaas (Nobyembre 30, 2027). Kung gusto ko/naming limitahan ang itatagal ng pahintulot ng pagsisiwalat sa mas maagang petsa, hindi ko/namin ibibigay ang pahintulot.
Limitasyon sa Saklaw ng Pagsisiwalat: Ako/kami, ang nagbabayad ng buwis, ay hindi gustong limitahan ang saklaw ng pagsisiwalat ng impormasyon sa tala ng buwis nang lampas pa sa nakasaad sa itaas. Kung gusto ko/naming limitahan ang saklaw ng pagsisiwalat ng impormasyon sa tala ng buwis nang lampas pa sa nakasaad sa itaas, hindi ko/namin ibibigay ang pahintulot.
Pahintulot: Nabasa ko/namin, ang nagbabayad ng buwis, ang impormasyon sa itaas.
Sa pamamagitan nito, pinahihintulutan ko/namin ang pagsisiwalat ng impormasyon sa tala ng buwis na inilarawan sa mga tuntunin ng Global Carry Forward sa itaas, at papayagan ang tagapaghanda ng tala ng buwis na maglagay ng PIN sa software sa paghahanda ng buwis para sa akin, upang maberipika na ako/kami ay nagbigay-pahintulot sa mga tuntunin ng pagsisiwalat na ito.
Nakasulat na pangalan at lagda ng pangunahing nagbabayad ng buwis Petsa
Nakasulat na pangalan at lagda ng ikalawang nagbabayad ng buwis Petsa
Kung sa palagay ninyo ang impormasyon sa inyong tala ng buwis ay isiniwalat o ginamit sa maling paraan na hindi pinahihintulutan ng batas o nang wala ang pahintulot ninyo, maaari kayong makipag-ugnayan sa Treasury Inspector General for Tax Administration (TIGTA) sa pamamagitan ng telepono sa 1-800-366-4484. Report a Crime or IRS Employee Misconduct
- U.S. Treasury Inspector General for Tax Administration (TIGTA).
Catalog Number 71526T www.irs.gov Form 15080 (tl) (Rev. 10-2025)