State statute
Notice of Default – Tagalog
California foreclosure, tax-defaulted, court-ordered and probate-sale law and official procedures — verbatim and citable.
- Edition
- 2026-09-26
- Last updated
- 2026-09-27
- Jurisdiction
- California
Notice of Default – Tagalog¶
Page 1¶
PABATID NG HINDI PAGKAKABAYAD (Notice Of Default) BUOD NG PANGUNAHING IMPORMASYON (Summary of Key Information)
Ang nakakalip na notice of default (pabatid ng hindi pagkakabayad) ay ipinadala kay
______________________________________________________, sa may kaugnayan sa (Pangalan ng Nagkakatiwala) (Name of trustor)
__________________________________________________________________________. (paglalarawan sa ari-arian na nagtitibay sa isinangla o deed of trust (papeles ng panagot sa utang) na hindi nabayaran) (Description of property that secures the mortgage or deed of trust in default)
Ang ari-arian na ito ay maaaring ibenta para masiyahan ang inyong obligasyon at alinmang iba pang obligasyong natibay ng deed of trust (papeles ng panagot sa utang) o isinangla na hindi nabayaran. __________________________________________ ay, tulad nang inilarawan (Nagkakatiwala) (Trustor)
sa notice of default (pabatid ng hindi pagkakabayad), hindi natupad na isinangla o deed of trust (papeles ng panagot sa utang) sa ari-arian na inilarawan sa itaas.
MAHALAGANG PAUNAWA: KUNG ANG INYONG ARI-ARIAN AY MAREREMATA
SANHI NG INYONG PAGKUKULANG SA MGA KABAYARAN, MAAARI ITONG IBENTA NANG WALANG ANUMANG PAGKILOS MULA KORTE, at maaaring kayo ay may legal na karapatan na muling maisaayos para maturing na mainam na katayuan ang inyong account sa pamamagitan ng pagbabayad sa lahat ng inyong nakalipas na bayarin at ang mga pinahihntulutan na gastusin at singil sa loob ng panahon na pinahihintulutan ng batas para sa muling pagtatalaga ng inyong account, na karaniwang limang araw ng trabaho bago ang petsang itinakda para sa pagbebenta ng inyong ari-arian. Ang petsa ng pagbebenta ay hindi maaaring itakda hanggang makalipas ang 90 na araw mula sa petsa na ang pabatid ng hindi pagkakabayad ay maaaring maitala (aling petsa ng muling pagtatala na ipinapakita sa pabatid).
Ang halagang ito ay _____________ base sa petsang_________________ at tataas
(Amount) (Petsa) (Date)
hanggang ang inyong account ay masapanahon.
Habang ang inyong ari-arian ay inireremata, maaari ninyo pa rin bayaran ang iba pang
mga obligasyon (tulad ng insurance at mga buwis) na hinihiling ang inyong tala at deed of trust (papeles ng panagot sa utang) o isinangla. Kung kayo ay hindi makapagbayad sa utang, magbayad sa mga buwis sa ari-arian, kumuha ng insurance sa ari-arian, o bayaran ang iba pang mga obligasyon tulad nang hinihiling sa tala o deed of trust (papeles ng panagot sa utang) o isinangla, maaaring pilitin ng benepisyaryo o nag-sangla (nagkaloob ng isinangla) na gawin ninyo ito upang muling maitalaga ang inyong account patungo sa mainam na katayuan. Bilang karagdagan dito, maaaring hilingin bilang kondisyon ng benepisyaryo o nag-sangla para sa muling pagtatalaga, na kayo ay magbigay ng mapagkakatiwalaang nakasulat na katibayan na inyong nabayaran ang mga lumang garantiya, buwis sa ari-arian, at mga hulog sa seguro para sa pinsala.
Notice of Default-Tagalog (Revised 01/21) 1
Page 2¶
Sa inyong naibigay na nakasulat na kahilingan, ang benepisyaryo o nag-sangla ay magbibigay sa inyo ng nakasulat na detalyadong listahan ng kabuuang halaga na dapat ninyong bayaran. Maaaring hindi ninyo kailangang bayaran ang kabuuan ng inyong hindi pa bayad na bahagi ng inyong account, kahit na hinihiling ang buong kabayaran, pero kailangan muna ninyong bayaran ang lahat ng mga halaga na nagkukulang ayon sa kasunduan sa panahon na naisagawa ang pagbabayad. Gayunman, kayo at ang inyong benepisyaryo o nag-sangla ay maaaring magkasundo sa pamamagitan ng kasulatan bago ilagay ang abiso ng pagbebenta (na hindi maaaring mas maaga sa tatlong buwan makalipas na matala itong notice of default o abiso ng hindi pagkakabayad) sa, bukod sa iba pang mga bagay, (1) magbigay ng dagdag na panahon kung saan ang kalutasan sa hindi pagtutupad sa napagkasunduan sa pamamagitan ng paglilipat ng ari-arian o sa iba pang paraan; o (2) magtatag ng tipanan ng mga pagbabayad upang malutas ang inyong pagkukulang; o parehong (1) at (2).
Kasunod ng paglipas ng itinakdang panahon na tinutukoy sa unang talaga ng pabatid
na ito, maliban kung ang obligasyon sa pagkakaremata o sa hiwalay na nakasulat na kasunduan sa pagitan ninyo at ng inyong creditor ay nagpapahintulot sa isang mas pinatagal na panahon, mayroon lamang kayong legal na karapatan na ihinto ang pagbebenta ng inyong legal na ari-arian sa pamamagitan ng pagbabayad ng buong halagang hinihingi ng inyong creditor.
Upang malaman ang halagang kailangan ninyong bayaran, o para isaayos ang mga
pagbabayad para maihinto ang pagkakaremata, o kung ang inyong ari-arian ay maremata sa iba pang kadahilanan, makipag-ugnayan sa:
(Pangalan ng benepisyaryo o nag-sangla) (Name of beneficiary or mortgagee)
(Address sa koreo) (Mailing address)
(Telepono) (Telephone)
Kung kayo ay mayroong kahit na anong katanungan, kailangan ninyong makipag
ugnayan sa isang abogado o ahensya ng pamahalaan na maaaring nagkaloob ng insurance sa inyong utang.
Sa kabila ng katotohanan na ang inyong ari-arian ay nireremata, maaari ninyong
ihandog na ipagbenta ang inyong ari-arian, sa kundisyon na ang pagbebenta ay natapos bago ang pagtatapos ng pagkakaremata.
Tandaan, MAAARING MAWALA SA INYO ANG MGA LEGAL NA KARAPATAN KUNG
HINDI KAYO KUMILOS KAAGAD.
Kung nais ninyo ng karagdagang mga kopya ng buod na ito, maaari ninyong makuha
ang mga ito sa pamamagitan ng pagtawag sa ____________________________________. (Numero ng telepono) (Telephone number)
Notice of Default-Tagalog (Revised 01/21) 2