Skip to content

State statute

Alameda — Tagalog

California foreclosure, tax-defaulted, court-ordered and probate-sale law and official procedures — verbatim and citable.

Edition
2026-09-26
Last updated
2026-09-28
Jurisdiction
Alameda County

Alameda — Tagalog

Exceptions & meaning →

Page 1

Titulo 5. Mga Panuntunan sa Pamilya at Mga Juvenile

Panuntunan 5.1 Titulo

Ang mga panuntunan sa titulong ito ay maaaring tukuyin bilang Mga Lokal na Panuntunan sa Pamilya at Mga Juvenile.

Pinagtibay ang Panuntunan 5.1 noong Enero 1, 2008.

Dibisyon 1. Mga Panuntunan sa Pamilya

Kabanata 1. Mga Pangkalahatang Probisyon

Panuntunan 5.5. Pamagat ng dibisyon

Ang mga panuntunan sa dibisyong ito ay maaaring tukuyin bilang Mga Lokal na Panuntunan sa Pamilya.

Pinagtibay ang Panuntunan 5.5 noong Enero 1, 2008.

Panuntunan 5.10. Opisina ng Facilitator ng Pampamilyang Batas

Dagdag pa sa mga serbisyo at tungkuling dapat gampanan ng facilitator ng pampamilyang batas para sumunod sa mga iniaatas ng batas ng estado, isasagawa rin ng facilitator ng pampamilyang batas ang mga serbisyong nakasaad sa seksyon 10005 ng Kodigo ng Pamilya, na naaayon sa mga restriksyon at priyoridad sa pagpopondo para sa serbisyong regular na itinatakda ng hukuman.

Inamyendahan ang Panuntunan 5.10 at pinalitan ang numero nito noong Enero 1, 2008; pinagtibay ito bilang panuntunan 11.11 noong Mayo 19, 1998; dati itong inamyendahan noong Enero 1, 2004.

Panuntunan 5.11. Mga remote appearance

(a) Mga remote na pagdinig.

Maliban kung iba ang iniutos ng hukuman, maaaring remote na humarap ang mga partido at abugado sa mga pagdinig sa status, pagdinig sa paglutas ng kasong nakasentro sa pamilya, inisyal na pagdinig sa status, pagdinig sa pagtatakda ng paglilitis, at pagdinig sa settlement. Para sa mga pagdinig na ito, hindi kailangang maghain ng partido ng Abiso sa Remote Appearance (RA- 010) o Kautusan Kaugnay ng Remote Appearance (RA-020).

Title 5 Table of Contents 5 - 1

Exceptions & meaning →

Page 2

(b) Mga personal na pagdinig.

Isasagawa sa personal ang lahat ng pagdinig na hindi kabilang sa subdivision (a)
maliban kung iba ang iniutos ng hukuman. Dapat ay sundin ng sinumang
humihiling na humarap sa isang pagdinig sa remote na paraan bukod sa mga
pagdinig na tinutukoy sa subdivision (a) ang mga sumusunod bago ang pagdinig:

(1) Maghain at magbigay ng Abiso sa Remote Appearance (form
na at maglakip ng maikling pahayag na
nagpapaliwanag sa dahilan ng paghiling na humarap sa remote na RA‐010)paraan;

(2) Maghain at magbigay ng iminumungkahing Kautusan Kaugnay ng
Remote Appearance (form na at RA‐020);
(3) Magbigay ng abiso gaya ng sumusunod:

(A) Kung ang isang taong humihiling ng remote appearance ay
nakatanggap ng abiso sa paglilitis nang hindi bababa sa 15
araw ng hukuman bago ang petsa ng pagdinig, dapat niyang
ihain at ibigay ang kahilingan at ang iminumungkahing
kautusan nang hindi bababa sa 10 araw ng hukuman bago
ang paglilitis.

(B) Kung ang isang taong humihiling ng remote appearance ay
nakatanggap ng abiso sa paglilitis nang hindi bababa sa 15
araw ng hukuman bago ang petsa ng pagdinig, dapat niyang
ihain at ibigay ang kahilingan at ang iminumungkahing
kautusan sa loob ng isang araw ng hukuman pagkatapos
matanggap ang abiso sa paglilitis.
(4) Maliban kung awtorisado ng hukuman ang remote appearance,
mandatoryo ang personal na pagharap. Maaaring magresulta ang
hindi pagharap sa personal sa pagpapatuloy at/o pagpapatupad ng
mga parusa.

(c) Mga Pagtutol.

Dapat ay ihain at ibigay ang anumang pagtutol sa kahilingan sa remote appearance sa ilalim ng subdivision (b) sa susunod na araw ng hukuman pagkatapos magbigay ng abiso sa remote appearance o kautusang

Title 5 Table of Contents 5 - 2

Exceptions & meaning →

Page 3

nagpapahintulot sa remote appearance, alinman ang mauna. Dapat ay maghain at magbigay ang taong tumututol sa remote appearance ng Oposisyon sa Remote na Paglilitis sa Pagdinig o Paglilitis Nang May Katibayan (form at ng iminumungkahing Kautusan Kaugnay ng Remote Appearance (form na RA‐015)(d) Mga Kasunduan. RA‐020).

Kung magkakasundo ang mga partido na tugunan ang lahat ng isyu sa pagdinig sa ilalim ng subdivision (b), maaaring maghain ng joint na kahilingan para sa remote appearance at iminumungkahing kautusan anumang oras bago ang pagdinig at konseho at/o maaaring humarap sa remote na paraan sa pagdinig ang mga partido para sa layuning pagpapabilis sa pag-aabiso sa hukuman na mayroon nang naihain o ihahaing kasunduan o para isaad ang kasunduan sa record na ito. .

Inamyendahan ang Panuntunan 5.11 noong Enero 1, 2026; pinagtibay ito noong Hulyo 1, 2023.

Panuntunan 5.12. Electronic filing at serbisyo sa mga paglilitis ng pamilya

(a) Mandatoryong paggamit ng electronic filing

Mula noong Abril 1, 2023, ang mga kinakatawang partido at iba pang kinakatawang tao ay dapat lumahok sa electronic filing (e-filing) gamit ang isang electronic filing service provider (EFSP) na inaprubahan ng hukuman, at dapat magbigay at tumanggap ng serbisyo sa electronic na paraan, maliban kung ayon kautusan ng hukuman o kung may ibang serbisyong iniaatas ng batas. Sa ilalim ng panuntunan 2.253(b)(4) ng Mga Panuntunan ng Hukuman ng California, maaaring humiling ng eksensyon ang sinumang inaatasang mag-efile sa pamamagitan paghahain ng Kahilingan Para Sa Eksensyon sa Mandatoryong Electronic Filing at Serbisyo (form na EFS-007) sa nakatalagang departamento o, kung hindi nakatalaga, sa namamahalang hukom ng dibisyon ng pampamilyang batas.

(b) Pinahihintulutang paggamit ng electronic filing

Mula noong Pebrero 21, 2023, maaaring magbigay ng pahintulot ang anumang partido o iba pang tao na lumahok sa e-filing, gamit ang EFSP na inaprubahan ng hukuman, sa pamamagitan ng pag-file ng abiso ng pahintulot sa hukuman at pagbibigay nito sa lahat ng partido. Maliban kung iniaatas ng batas o ng kautusan ng hukuman ang iba pang serbisyo, dapat ay magbigay at tumanggap ng serbisyo sa electronic na paraan ang sinumang nagbibigay ng pahintulot na lumahok sa e-filing.

Title 5 Table of Contents 5 - 3

Exceptions & meaning →

Page 4

(c) Mga petsa ng pagkakaroon ng bisa

Maaaring baguhin ng hukuman ang mga nabanggit na petsa ng pagkakaroon ng bisa at iaanunsyo ang mga ito sa website ng hukuman.

(d) Mga karagdagang kinakailangan

Ang mga dokumento ay dapat i-efile sa searchable na PDF format maliban kung papel na kopya lang ang mayroon at dapat itong sumunod sa mga teknikal na kinakailangang nakalista sa website ng hukuman, na may listahan ng mga EFSP na inaprubahan ng hukuman.

(e) Mga eksensyon

Hindi maaaring i-efile ang mga sumusunod na dokumento:

(1) Mga bench warrant;

(2) Mga dokumentong ipina-subpoena;

(3) Mga bond;

(4) Mga undertaking;

(5) Mga sertipikadong pasya;

(6) Mga abstract o komisyon sa labas ng estado o county;

(7) Mga pasya ng sister state;

(8) Mga subpoena para sa mga pagkilos sa labas ng estado;

(9) Mga talaan ng data ng payee;

(10) Iba pang dokumentong iniaatas ng batas na magkaroon ng orihinal na
lagda o maihain sa orihinal na form.

(f) Mga kumpidensyal na dokumento

Kumpidensyal ang mga dokumentong in-efile sa mga pagkilos sa ilalim ng Uniform Parentage Act at hindi nito kailangan ng kautusan ng hukuman upang maging kumpidensyal.

Title 5 Table of Contents 5 - 4

Exceptions & meaning →

Page 5

(g) Mga courtesy copy

Maliban kung iba ang iniutos ng hukuman, dapat ay ipadala ang mga papel na courtesy copy ng lahat ng in-efile na dokumento sa clerk ng nakatalagang departamento sa mismong araw na in-efile ang mga ito o sa susunod na araw ng hukuman kung nakaiskedyul ang kaugnay na pagdinig dalawa o higit pang araw ng hukuman pagkatapos ng petsa ng e-filing. Dapat ay ipasa sa susunod na araw ng hukuman ang anumang courtesy copy na matatapat ang pagpapasa sa araw na sarado ang hukuman.

Inamyendahan ang Panuntunan 5.12 noong Hulyo 1, 2025; pinagtibay noong Hulyo 1, 2022; dating inamyendahan noong Enero 1, 2023.

Panuntunan 5.15. Deklarasyon ng abiso sa aplikasyon para sa mga pang- emergency na kautusan

Maaaring gamitin ng mga partido ang Deklarasyon Tungkol sa Abiso ng Aplikasyon para sa Pang-emergency na Kautusan (Lokal na Form na ALA FL-010) para ibigay ang kinakailangang deklarasyon tungkol sa abiso ng aplikasyon para sa mga pang- emergency na kautusan.

Inamyendahan ang Panuntunan 5.15 noong Enero 1, 2013; pinagtibay ito bilang panuntunan 11.0.1 noong Mayo 19, 1998; dati itong inamyendahan noong Hulyo 1, 1999, Enero 1, 2004, Hulyo 1, 2004, Enero 1, 2006, at Enero 1, 2007; dati itong inamyendahan at pinalitan ang bilang nito noong Enero 1, 2008; dati itong inamyendahan noong Enero 1, 2009.

Panuntunan 5.15.1. Pagsusuri at Aplikasyon sa Ex Parte

(a) Pagsusuri sa Ex Parte

Maliban kung may ibang iniutos, ang hukuman ay magpapasya sa mga aplikasyon sa ex parte batay sa mga sinumpaang salaysay at deklarasyon na isinumite na pabor sa, at laban sa, aplikasyon.

(b) Pagsusumite ng mga Aplikasyon sa Ex Parte

(1) Kung ang aplikasyon ay humihiling ng kautusan na pagpapaikli ng
oras, dapat itong magsama ng isang deklarasyon na naglalahad ng
mga katotohanan na nagpapatunay ng makatwirang dahilan kung bakit
kinakailangan ang isang mas maikling panahon ng paunawa.

(2) Dapat ihayag ng mga aplikasyon sa ex parte ang mga sumusunod:

Title 5 Table of Contents 5 - 5

Exceptions & meaning →

Page 6

(A) Kung ang isang hiniling na kautuwang ex parte ay magreresulta sa pagbabago ng status quo;

(B) Kung ang mga kautusan ay may bisa na patungkol sa parehong
isyu; at

(C) Lahat ng naunang aplikasyon sa parehong isyu ng alinmang
partido at kung may anumang kautusan na ginawa.

(c) Paunawa Tungkol sa Aplikasyon

(1) Ang partidong naghahain ng mosyon ay dapat magbigay ng paunawa
tungkol sa aplikasyon sa ex parte sa lahat ng partidong may sariling
kinatawan at lahat ng nakatalang abogado bago isumite ang
aplikasyon sa hukuman maliban sa mga sitwasyong nakalista sa form
FL-303(3)(b)(1-4), na dapat idokumento nang detalyado sa aplikasyon.
Ang partidong naghahain ng mosyon ay dapat magsumite ng isang
Deklarasyon Tungkol sa Serbisyo at Paunawa Tungkol sa Kahilingan
para sa mga Pansamantalang Pang-emergency (Ex Parte) na
Kautusan (form FL-303) kasama ng aplikasyon sa ex parte.

(2) Maliban kung may ibang iniutos, kung ang partidong naghahain ng
mosyon ay magbibigay ng paunawa tungkol sa aplikasyon pagkalipas
ng 10:00 am, ituturing na naibigay ang paunawa nang 10:00 a.m. sa
susunod na araw ng pagharap sa hukuman.

(d) Pamamaraan ng Pagbibigay ng Paunawa Tungkol sa Aplikasyon

Maliban na lang kung may eksepsiyon, dapat magbigay ng paunawa sa pamamagitan ng isa sa mga pamamaraang nakalista sa form FL-303(3)(a)(2) bago isumite ang aplikasyon sa Hukuman.

(e) Paraan ng Paghahatid ng Aplikasyon

Ang paunawa ay kinukumpleto sa pamamagitan ng paghahatid sa lahat ng partidong may sariling kinatawan at lahat ng nakatalang abogado ng (1) mga form FL-300, FL-303, at FL-305, (2) lahat ng apela at ebidensya na pagbabatayan ng partidong naghahain ng mosyon, at (3) mga naaangkop na pang-emergency na kautusan na inisyu ng hukuman, sa isa sa mga paraang nakalista sa form FL-303(4)(b).

(f) Pagsusumite ng Tugon sa Aplikasyon

Ang anumang tugon sa aplikasyon sa ex parte, kabilang ang isang Sagot na Pahayag sa Kahilingan para sa Kautusan (form FL-320) at anumang

Title 5 Table of Contents 5 - 6

Exceptions & meaning →

Page 7

karagdagang apela o ebidensya, ay dapat na maihatid at maihain bago sumapit ang 10:00 a.m. sa araw pagkatapos ng paghahatid ng paunawa tungkol sa aplikasyon sa ex parte. Ang paghahatid ng mga sagot na apela ay dapat kumpletuhin sa isa sa mga paraan na nakalista sa form FL-303(4)(b).

Ang Panuntunan 5.15.1 na pinagtibay ay magkakaroon ng bisa sa Hulyo 1, 2026

Panuntunan 5.17. Paghahatid ng paunawa tungkol sa unang status conference

Maaaring mag-isyu ang hukuman ng paunawa tungkol sa unang status conference sa isang aksyon ng pagwawakas, legal na paghihiwalay, pagpapawalang-bisa, o pagiging magulang. Kung walang tugon sa petisyon na naihain noong inisyu ang paunawa tungkol sa unang status conference, ang nagpetisyon ay dapat magbigay ng kopya ng paunawa sa respondent.

Ang Panuntunan 5.17 na sinusugan ay magkakaroon ng bisa sa Hulyo 1, 2026; pinagtibay at nagkaroon ng bisa noong Enero 1, 2012; dating sinusugan at nagkaroon ng bisa noong Enero 1, 2016.

Panuntunan 5.20. Pagbisita sa bata ng mga hindi propesyonal na supervisor

Sa anumang paglilitis kung saan humihiling ang isang partido ng kautusang subaybayan ng hindi propesyonal na supervisor ang pagbisita sa bata, dapat ay magbigay ang partido ng kopya ng Mga Patnubay para sa Pagsubaybay sa Pagbisita sa Bata (Lokal na Form na ALA FL-015-INFO) sa (mga) iminumungkahing supervisor at pagkatapos ay maghain ng Kasunduan para sa Pagsubaybay sa Pagbisita sa Bata (Lokal na Form na ALA FL-015) na nilagdaan ng (mga) hindi propesyonal na supervisor bago ang anumang pagbisita.

Inamyendahan ang Panuntunan 5.20 noong Enero 1, 2009; pinagtibay ito noong Enero 1, 2008.

Panuntunan 5.25. Mga kahilingang magtakda ng mga petsa ng kumperensya sa settlement at paglilitis

(a) Kahilingan para sa paglilitis o kumperensya sa settlement

Maaaring humiling sa hukuman ang alinmang partido na magtakda ng petsa ng paglilitis o petsa ng kumperensya sa settlement sa pamamagitan ng (1) paghiling sa kumperensya sa settlement o sa paglutas ng kaso, o (2) pagbigay at paghahain ng Kahilingan para sa Kumperensya sa Paglutas ng Kaso (form na ALA FL-050).

(b) Stipulation para sa boluntaryong kumperensya sa settlement

Title 5 Table of Contents 5 - 7

Exceptions & meaning →

Page 8

Maaaring humiling ang mga partido ng kumperensya sa settlement para sa kabuuang usapin o para sa mga pinaghiwalay na isyu na inihanda para sa kumperensya sa settlement. Kung tutuparin ng hukuman ang kahilingan, aabisuhan ng hukuman ang mga partido tungkol sa petsa, oras, at lugar ng boluntaryong kumperensya sa settlement. Dapat ay gamitin ng mga partido ang Stipulation at Kautusan para sa Boluntaryong Kumperensya sa Settlement (form na ALA FL-045).

Inamyendahan ang Panuntunan 5.25 noong Enero 1, 2016; pinagtibay ito bilang mga panuntunan 11.0.4 at 11.0.5 noong Mayo 19, 1998; dati itong inamyendahan noong Enero 1, 2004; dati itong inamyendahan at ginawang Panuntunan 5.25 noong Enero 1, 2008; dati itong inamyendahan noong Enero 1, 2012.

Panuntunan 5.26. Naantalang Pagdinig sa Status Habang Nakabinbin ang Proseso ng Collaborative Law, Pribadong Pamamagitan, o Pribadong Hukom na Itinalaga ng Hukuman

Kung pipiliin ng mga partido sa isang kaso ng diborsiyo, nullity, o legal na paghihiwalay na lutasin ang kaso sa pamamagitan ng proseso ng collaborative law, pribadong pamamagitan, o pribadong hukom na itinalaga ng hukuman, maaari nilang isumite ang isang stipulasyon at iminumungkahing kautusan para ipagpaliban ang pagdinig sa status gamit ang Stipulasyon at Kautusan para Iantala ang Pagdinig sa Status (ALA-FL056). Kung hindi matagumpay ang proseso ng collaborative law o pribadong pamamagitan, o winakasan ang pagtatalaga ng pribadong hukom, maaaring humiling ang partido ng pagdinig sa status gamit ang Humiling ng Pagdinig sa Status (ALA-FL057).

Pinagtibay ang Panuntunan 5.26 noong Enero 1, 2026.

Panuntunan 5.30. Mga mosyon at pagdinig

(a) Tungkuling magkita at magpulong

(1) Bago ang pagdinig ng hukuman sa isang kahilingan para sa kautusan,
kautusan para magpaliwanag, o mosyon

Maliban kung mag-utos ang hukuman ng ibang yugto ng panahon, ang
mga partido ay dapat magkita at magpulong ang mga partido, sa
personal o sa pamamagitan ng telepono, upang pag-usapan ang lahat
ng nakabinbing isyu at, sa kondisyong hindi pa ibinibigay at inihahain
ang mga ito, magpalitan ng mga dokumento at impormasyong
nauugnay sa mga nasabing isyu nang hindi bababa sa limang araw
bago ang pagdinig sa isang kahilingan para sa kautusan, kautusan
para magpaliwanag, o mosyon.

Title 5 Table of Contents 5 - 8

Exceptions & meaning →

Page 9

(2) Bago ang kumperensya sa settlement o paglilitis

Maliban kung mag-utos ang hukuman ng iba pang yugto ng panahon, ang mga partido ay dapat magkita at magpulong ang mga partido, sa personal o sa pamamagitan ng telepono, upang pag-usapan ang lahat ng nakabinbing isyu at, sa kondisyong hindi pa ibinibigay at inihahain ang mga ito, dapat magpalitan ng mga dokumento at impormasyong nauugnay sa mga nasabing isyu nang hindi bababa sa limang araw bago ang isang ang kumperensya sa settlement o paglilitis.

(b) Paglalakip ng kautusan o pasya kung humiling ng pagpapabago

Sa anumang paglilitis na magpabago o magpatupad ng kasalukuyang kautusan o pasya, dapat ay ilakip sa mga moving paper ang kopya ng kautusan o pasya. Dapat ay ilakip sa mga responsive paper ang anumang kautusan o pasya na iniaatas ng panuntunang ito na hindi nailakip sa mga moving paper.

(c) Kinakailangan ang deklarasyon ng mga hindi naresolbang isyu

Kung lalampas ng 60 araw ang pagdinig sa kahilingan para sa kautusan, kautusan para magpaliwanag, o mosyon, dapat ay magbigay at maghain ang bawat partido ng deklarasyon na magsasaad sa mga isyu na hindi pa nareresolba. Dapat ay gamitin ng mga partido ang Buod ng Mga Pinagtatalunan at Naresolbang Isyu (Lokal na Form na ALA FL-030) para sa layuning ito.

(d) Hindi humarap sa aplikasyon para sa mga pang-emergency na kautusan

Hindi pinapayagan o kinakailangan sa presentasyon ng aplikasyon para sa mga pang-emergency na kautusan ang pagharap nang personal, maliban kung iba ang iniuutos ng hukuman.

Inamyendahan ang Panuntunan 5.30 noong Enero 1, 2013; dati itong inamyendahan noong Enero 1, 2012.

Panuntunan 5.35. Mga kahilingang ipagpatuloy o ihinto ang isang short-cause na pagdinig, kumperensya sa katayuan kaugnay ng pampamilyang batas, o kumperensya sa paglutas ng kasong nakasentro sa pamilya

Ang isang aplikasyong humihiling na ipagpatuloy o ihinto ang pagdinig sa isang kahilingan para sa kautusan na itinakda sa kalendaryo para sa short-cause, kumperensya sa katayuan kaugnay ng pampamilyang batas, o kumperensya sa paglutas ng kasong nakasentro sa pamilya ay maaaring gawin sa pamamagitan ng

Title 5 Table of Contents 5 - 9

Exceptions & meaning →

Page 10

pagsusumite ng nakasulat na stipulation sa pagitan ng mga partidong humihiling nito. Dapat ay ihain ang nilagdaang stipulation sa loob ng limang araw ng hukuman bago ang petsa kung kailan nakaiskedyul ang pagdinig o kumperensya. Dapat ay gamitin ng mga partido ang form na Aplikasyon at Kautusan para sa Pagpapatuloy ng Pagdinig, Kumperensya sa Katayuan, o Kumperensya sa Paglutas ng Kaso (Lokal na Form na ALA FL-035) para isumite ang kahilingang ito.

Inamyendahan ang Panuntunan 5.35 noong Hulyo 1, 2014; dati itong inamyendahan noong Enero 1, 2012.

Panuntunan 5.37. Aplikasyon at Kautusan para sa Appearance sa Telepono [Ipinawalang-bisa]

Ipinawalang-bisa ang Panuntunan 5.37 noong Hulyo 1, 2023; pinagtibay ito noong Enero 1, 2013.

Panuntunan 5.40. Mga kahilingang ipagpatuloy ang mga kumperensya sa settlement, long-cause na pagdinig, at paglilitis

Maaari lang ipagpatuloy ang mga kumperensya sa settlement, long-cause na pagdinig, at paglilitis kapag inaprubahan ng hukuman na itinalagang magsagawa ng kumperensya sa settlement, long-cause na pagdinig, at paglilitis. Dapat ay gamitin ng mga partido ang form na Pinag-isang Aplikasyon at Kautusan para sa Pagpapatuloy ng Kumperensya sa Settlement, Long Cause na Pagdinig, o Paglilitis (Lokal na Form na ALA FL-055) para hilingin ito kung isa itong pinag-isang aplikasyon para sa pagpapatuloy.

Inamyendahan ang Panuntunan 5.40 noong Oktubre 1, 2014; pinagtibay ito noong Enero 1, 2008; dati itong inamyendahan noong Enero 1, 2012.

Panuntunan 5.45. Pagsasagawa ng mga kumperensya sa katayuan, sa paglutas ng kaso, at sa settlement

Maliban kung iba ang iniuutos ng hukuman, nalalapat ang mga sumusunod na probisyon sa mga kumperensya sa katayuan, sa paglutas ng kaso, at sa settlement na isinasagawa sa mga kaso sa pampamilyang batas.

(a) Mga kumperensya sa katayuan at sa paglutas ng kaso

(1) Mga kumperensya sa katayuan. Dapat ay maghain at magbigay ang
bawat partido ng paglalarawan ng kasalukuyang katayuan ng kaso sa
loob ng labinlimang araw bago ang anumang kumperensya sa
katayuan. Dapat ay gamitin ng mga partido ang form na Questionnaire
sa Kumperensya sa Katayuan (form na ALA FL-040) para sa layuning
ito maliban kung iniutos ng hukuman na maghain ang partido ng

Title 5 Table of Contents 5 - 10

Exceptions & meaning →

Page 11

Questionnaire sa Kumperensya sa Pamamahala ng Kaso (form na ALA FL-041).

(2) Mga kumperensya sa paglutas ng kaso. Dapat ay maghain at
magbigay ang bawat partido ng paglalarawan ng kasalukuyang
katayuan ng kaso sa loob ng labinlimang araw bago ang anumang
kumperensya sa paglutas ng kaso. Dapat ay gamitin ng mga partido
ang Questionnaire sa Kumperensya sa Pamamahala ng Kaso (form na
ALA FL-041).

(b) Mga kumperensya sa settlement (boluntaryo at mandatoryo)

Dapat ay magsagawa ang lahat ng abugado at lahat ng partido ng harapang
pagkikita upang magkasundo nang tapat at totoo sa pagsisikap na ayusin ang
lahat ng isyu sa kaso. Dapat ay iiskedyul ng abugado o mga partidong
kinakatawan ang kanilang sarili ang meeting na ito sa oras na itakda ang
kumperensya sa settlement para matiyak na maisasagawa ang meeting sa
tamang oras. Kung pinipigilan ng restraining order ang harapang pagkikita ng
mga partido, maaaring dumalo sa meeting ang mga partido sa pamamagitan
ng telepono o sa magkahiwalay na lokasyon. Sa loob ng hindi bababa sa
sampung araw bago ang anumang kumperensya sa settlement, dapat ay
magbigayan ang mga partido ng nakasulat na alok ng sapat na partikularidad
na maaaring ipatupad, at kung tatanggapin ito, mareresolba ang lahat ng
natitirang isyu sa hindi pagkakaunawaan; dapat ay dalhin sa kumperensya sa
settlement ang kopya ng alok na ito. Sa loob ng hindi bababa sa limang araw
bago ang anumang kumperensya sa settlement, dapat ay magbigay at
maghain ang bawat partido ng kumperensya sa settlement na dapat
naglalaman ng impormasyong itinakda sa ibaba:

(1) Buod ng lahat ng pinagtatalunan at hindi pinagtatalunang isyu,
kabilang ang isang maikling paglalarawan ng mga tuntunin ng
anumang stipulation, kasunduan, o settlement.

(2) Pahayag na naglalarawan sa lahat ng pagsisikap na ginawa ng mga
partido bago ang kumperensya sa settlement upang ayusin ang
natitirang tinututulang isyu, kabilang ang isang buod ng harapang
meeting sa settlement o isang detalyadong pahayag na nagsasaad
kung bakit hindi natuloy ang harapang pagkikita.

(3) Mga istatistikal na detalye:

(a) Petsa ng kasal o ng pagpaparehistro ng domestic na
partnership; petsa ng paghihiwalay; tagal ng kasal o domestic
na partnership sa mga taon at buwan.

Title 5 Table of Contents 5 - 11

Exceptions & meaning →

Page 12

(b) Mga pangalan at edad ng mga menor de edad na anak.

(c) Mga edad ng mga partido.

(d) Mga pinagtatalunang isyu kaugnay ng mga istatistikal na
impormasyon

(e) Lahat ng materyal na katotohanang pinaniniwalaan ng partido
tungkol sa anumang pinagtatalunang isyu kaugnay ng mga
istatistikal na impormasyon.

(4) Kustodiya at pagbisita sa bata:

(a) Mga tuntunin ng mga kasalukuyang kautusan at kasunduan sa
kustodiya at pagbisita.

(b) Detalyadong proposal para sa kautusan sa kustodiya at
pagbisita at lahat ng materyal na katotohanang sinusuportahan
ang proposal.

(5) Suporta sa bata:

(a) Mga tuntunin ng mga kasalukuyang kautusan at kasunduan sa
suporta sa bata.

(b) Proposal para sa mga kautusan sa suporta sa bata.

(c) Lahat ng materyal na katotohanang sinusuportahan ang
anumang espesyal na pagkakataon tungkol sa kita, mga gastos,
kakayahang kumita, o iba pang impormasyong nauugnay sa
suporta sa bata.

(d) DissoMaster o iba pang inaprubahang printout na isinasaad ang
lahat ng iminumungkahing napag-alaman tungkol sa suporta sa
bata.

(6) Suporta sa asawa:

(a) Mga tuntunin ng mga kasalukuyang kautusan sa suporta sa
asawa.

(b) Proposal para sa mga kautusan sa suporta sa asawa.

Title 5 Table of Contents 5 - 12

Exceptions & meaning →

Page 13

(c) Buong pagsusuri sa lahat ng materyal na katotohanang tungkol sa kaugnayan ng bawal item sa mga salik na isinasaad sa seksyon 4320 ng Kodigo ng Pamilya.

(d) DissoMaster o iba pang inaprubahang printout na ipinapakita
ang mga epekto sa buwis ng kautusan sa suporta sa asawa na
iminumungkahi ng partido.

(7) Mga pinagtatalunang asset:

(a) Ang petsa kung kailan nakuha ang asset.

(b) Ang paraan kung paano kasalukuyang itinatalaga ang titulo ng
asset, at kung naiiba ito, kung paano ito itinalaga noong nakuha
ito.

(c) Ang katangian ng asset bilang community, separate, o quasi-
community property, o kumbinasyon ng mga ito.

(d) Lahat ng materyal na impormasyong sinusuportahan ang
pagtatakda ng partido ng katangian ng asset.

(e) Ang kasalukuyang fair market value, pinagmulan, limitasyon, at
mga tuntunin ng anumang hadlang sa asset, at ang
kasalukuyang net na equity sa asset.

(f) Kumpletong pahayag na nagtatakda sa batayang ayon sa
katotohanan at legal na batayan para sa pag-apportion at pag-
reimburse, sa formula para sa pag-apportion at pag-reimburse,
at sa kinalkulang halaga ng community interest at separate
interest ng bawat partido sa asset.

(8) Mga utang o obligasyon:

(a) Listahan ng lahat ng utang o obligasyon ng mga partidong
itinuturing na mga community liability o separate liability ng mga
partido na may paglalarawan ng lahat ng impormasyon at legal
na awtoridad na sumusuporta sa claim na community o
separate ang bawat utang o obligasyon.

(b) Sa bawat utang o obligasyon, ang pangalan ng creditor, ang
balanseng dapat bayaran sa petsa ng paghihiwalay, ang
kasalukuyang balanseng dapat bayaran, at ang pinagmulan,
limitasyon, at mga tuntunin ng anumang seguridad para sa
utang.

Title 5 Table of Contents 5 - 13

Exceptions & meaning →

Page 14

(c) Kung mayroong claim para sa pag-reimburse, ang pangalan ng creditor, ang kabuuang halagang binayaran sa utang, ang petsa at pinagmulan ng bawat pagbabayad kung saan hinihiling ang pag-reimburse.

(d) Buod ng kasalukuyang mga kautusan hinggil sa pagbabayad ng
mga utang o obligasyon at pag-reimburse nito.

(9) Bayad sa abugado, bayad sa eksperto, at mga gastusin:

(a) Buod ng mga kasalukuyang kautusan.

(b) Listahan ng lahat ng halagang ibinayad ng bawat partido sa
pagsasaalang-alang sa bayad ng kabilang partido sa abugado,
bayad sa eksperto, at mga gastusin, at ang balanseng dapat
bayaran, kung mayroon man.

(c) Listahan ng lahat ng halagang ibinayad ng bawat partido sa
pagsasaalang-alang sa sarili niyang bayad sa abugado, bayad
sa eksperto, at mga gastusin, at ang balanseng dapat bayaran,
kung mayroon man.

(d) Mga dokumento, iskedyul, buod, appraisal, at mga ulat ng
eksperto:

(e) Mga kopya ng lahat ng appraisal at ulat ng mga eksperto na
ibibigay o maaaring ibigay sa paglilitis.

(f) Listahang may paglalarawan at buod ng mga nilalaman ng lahat
ng dokumento, iskedyul, at buod na ibibigay o maaaring ibigay
sa paglilitis na may mga nakalakip na kopya kung nauugnay sa
anumang mahalagang pinagtatalunang isyu.

(g) Ang pangalan, address ng negosyo, at numero ng telepono ng
sinumang ekspertong testigo na gustong tawagin ng partido
bilang testigo sa paglilitis, na may kasamang maikling pahayag
na isinasaad ang nilalaman ng testimonya ng eksperto.

(10) Iba pang testigo:

Ang pangalan, address, at numero ng telepono ng sinumang hindi
ekspertong testigo, maliban sa mga partido, na gustong tawagin ng

Title 5 Table of Contents 5 - 14

Exceptions & meaning →

Page 15

partido bilang testigo sa paglilitis, at maikling pahayag inaasahang testimonya ng eksperto.

(11) Mga punto at awtoridad:

Dapat ay isaad sa naaangkop na seksyon ng pahayag sa
kumperensya sa settlement ang lahat ng punto at awtoridad at legal na
argumento na pinaplanong panigan ng partido.

(12) Deklarasyon ng kita at gastusin:

Dapat ay maghain ng kasalukuyang Deklarasyon ng Kita at Gastusin
sa naaangkop na form ng Konseho ng Hukuman, pati ng lahat ng
kinakailangang attachment, kasama ng pahayag sa kumperensya sa
settlement kung may mga pinansyal na isyung nauugnay sa anumang
pinagtatalunang isyu. Hindi maaaring gamitin ng isang partido ang dati
nang naihain na Deklarasyon ng Kita at Gastusin.

(13) Iskedyul ng mga Asset at Utang:

Dapat ay dalhin sa kumperensya sa settlement ang isang
kasalukuyang Iskedyul ng mga Asset at Utang sa naaangkop na form
ng Konseho ng Hukuman, kasama ang lahat ng kinakailangang
kalakip. Hindi maaaring gamitin ng isang partido ang dati nang
naihaing Iskedyul ng mga Asset at Utang.

(14) Mga proposal para sa settlement:

Dapat ay magdala sa kumperensya sa settlement ang bawat partido
ng nakasulat na alok na makapag-aayos sa lahat ng natitirang isyu na
pinagtatalunan. Maaaring humiling ang bawat partido na ituring na
kumpidensyal ng hukuman ang mga ganitong alok.

(c) Mga kahihinatnan ng hindi pagsunod

Sa pagpapasya ng hukom sa paglilitis, maaaring kabilang sa mga kahihinatnan ng hindi pagsunod sa panuntunang ito ang pagpapataw ng anumang sanction o kautusan na awtorisado ng batas na kinabibilangan ng, pero hindi limitado sa, paglilimita sa ebidensya, pagpapatuloy sa paglilitis, hindi pagsasama sa isang exhibit, paghadlang sa testimonya ng testigo, o pagtatakda ng perang multa.

Inamyendahan ang Panuntunan 5.45 noong Enero 1, 2016; pinagtibay ito noong Enero 1, 2008; dati itong inamyendahan noong Hulyo 1, 2014, Hulyo 1, 2009, Enero 1, 2012, at Enero 1, 2015.

Title 5 Table of Contents 5 - 15

Exceptions & meaning →

Page 16

Panuntunan 5.50. Pagsasagawa ng mga paglilitis

Maliban kung iba ang iniutos, malalapat ang mga lokal na panuntunang sibil na sumasaklaw sa pagsasagawa ng mga paglilitis sa anumang isyung itinakda para sa paglilitis o para sa isang pagdinig na mas matagal sa isang oras.

Pinagtibay ang Panuntunan 5.50 noong Enero 1, 2008.

Panuntunan 5.60. Paghahanda ng mga kautusan pagkatapos ng pagdinig [Ipinawalang-bisa]

Ipinawalang-bisa ang Panuntunan 5.60 noong Enero 1, 2012; pinagtibay ito noong Enero 1, 2008.

Panuntunan 5.65. Bayad sa abugado at bayad sa eksperto [Ipinawalang-bisa]

Ipinawalang-bisa ang Panuntunan 5.65 noong Enero 1, 2012; pinagtibay ito bilang panuntunan 11.0.8.C noong Mayo 19, 1998; dati itong inamyendahan noong Hulyo 1, 1999, Enero 1, 2004, Hulyo 1, 2004, Enero 1, 2006, at Enero 1, 2007; dati itong inamyendahan at ginawang Panuntunan 5.65 noong Enero 1, 2008.

Panuntunan 5.70. Patnubay para sa suporta sa asawa o kinakasama

Ang sumusunod na napagpapasyahang patnubay ay pinagtibay para sa pansamantalang suporta sa asawa o kinakasama sa mga kaso ng dissolution ng kasal o domestic na patnership.

(a) Mga kasong walang suporta sa bata

Sa mga kaso kung saan walang suporta sa bata, ang patnubay na suporta sa asawa o kinakasama ay 40% ng net na kita ng payor o 50% kaltas sa net na kita ng payee.

(b) Mga kasong may suporta sa bata

Sa mga kaso kung saan mayroong magiging suporta sa bata, ginagamit ng patnubay na suporta sa asawa o kinakasama ang mga nilalamang isinasaad sa seksyon 4055 hanggang 4069 ng Kodigo ng Pamilya sa sumusunod na formula:

SS = [HN-(HN) (M) (K) (1+H %)] [.35] - [LN-(LN) (M) (K) (1+H %)] [.4]

(Kung mas mataas ang H% sa 50%, gamitin ang 2-H% sa halip na 1+H%)

Title 5 Table of Contents 5 - 16

Exceptions & meaning →

Page 17

(M = Fam. Code §4055(b)(4) child multiplier.)

(c) Pagsasaayos para sa mga epekto sa buwis

Sa mga kaso ng domestic na partnership, isasaayos ng hukuman ang formula para maisaalang-alang ang treatment sa buwis sa ilalim ng mga pederal na batas at batas ng estado kung kinakailangan.

Inamyendahan ang Panuntunan 5.70 at pinalitan ang bilang nito noong Enero 1, 2008; pinagtibay ito bilang panuntunan 11.2 noong Mayo 19, 1998;

Panuntunan 5.71. Mga kasunduan sa settlement ng mag-asawa

Ang isang kasunduan sa settlement ng mag-asawa na isinama sa isang iminumungkahing pasya sa pamamagitan ng pagbanggit ay dapat pisikal na ilakip sa pasya.

Pinagtibay ang Panuntunan 5.71 noong Enero 1, 2015.

Panuntunan 5.72. Mga pasya tungkol sa kustodiya sa bata, suporta sa bata, o suporta sa asawa

Dapat ay ganap na isaad ang lahat ng tuntunin sa mga pasya tungkol sa kustodiya sa bata, suporta sa bata, o suporta sa asawa. Dapat ay isama sa mga pasya tungkol sa kustodiya sa bata, suporta sa bata, o suporta sa asawa ang mga petsa ng pagsisimula at pagwawakas.

Mandatoryo ang paggamit sa Kalakip para sa Impormasyon at Kautusan sa Suporta sa Bata (form na FL-342).

Dapat ay maglakip ng kalkulasyon ng patnubay na suporta sa bata sa form na FL- 342 maliban kung ipinapakita sa form na FL-342 ang mga input na ginamit sa paggawa sa kalkulasyon ng patnubay. Mandatoryo ang paggamit sa Kalakip para sa Mga Napag-alaman sa Suporta sa Bata na Hindi Nakakasunod sa Patnubay (form na FL-342(A)) kung saan kasama sa pasya ang suporta sa bata na naiiba sa patnubay na kalkulasyon sa ilalim ng Kodigo ng Pamilya § 4050, et seq.

Hinihikayat ng Hukuman ang paggamit sa iba pang naaangkop na form ng Konseho ng Hukuman sa Pampamilyang Batas sa mga iminumungkahing pasya.

Inamyendahan ang Panuntunan 5.72 noong Enero 1, 2016; pinagtibay ito noong Hulyo 1, 2010.

Panuntunan 5.73. Pagsusumite ng mga kautusan sa pagtatalaga ng pagkita

Title 5 Table of Contents 5 - 17

Exceptions & meaning →

Page 18

Dapat ay magsumite ng kopya ng pasya o kautusan para sa suporta sa bata, kinakasama, asawa, o pamilya kasama ng anumang kautusan sa pagtatalaga ng pagkita.

Pinagtibay ang Panuntunan 5.73 noong Enero 1, 2015.

Panuntunan 5.75. Pagpapayo sa pagrerekomenda sa kustodiya ng bata

(a) Mga reklamo kaugnay ng mga tagapayo na nagrerekomenda kaugnay ng kustodiya sa bata

(1) Ang isang taong may reklamo tungkol sa propesyonal na gawi ng
tagapayo na nagrerekomenda kaugnay ng kustodiya sa bata ay
maaaring magreklamo nang pasalita o pasulat sa Supervisor ng
Programa sa Mga Serbisyo sa Pampamilyang Hukuman nang hindi
lalampas sa 20 araw pagkatapos matuklasan ang gawi na naging
sanhi ng reklamo. Susuriin ng supervisor ng programa ang usapin,
makikipagpulong siya sa tagapayo na nagrerekomenda kaugnay ng
kustodiya sa bata, at lulutasin niya ang reklamo nang direkta sa taong
nagrereklamo.

(2) Kung hindi nasisiyahan ang taong nagrereklamo sa tugon ng Supervisor
ng Programa sa Mga Serbisyo sa Pampamilyang Hukuman, maaari niyang
iapela ang mga pagkilos ng supervisor ng programa sa pamamagitan ng
pagsulat sa Bureau Chief ng Bureau ng Mga Pamilya at Bata sa loob ng
30 araw pagkatapos matanggap ang tugon ng supervisor ng programa.
Kukumpirmahin ng Bureau Chief ang pagkakatanggap sa apela sa taong
nagreklamo sa pamamagitan ng sulat. Maaaring ipasa ng Bureau Chief
ang reklamo sa isang internal na komite para sa pagsusuri at
rekomendasyon o maaari siyang tumugon sa apela nang walang ganitong
referral. Ibibigay ang tugon ng Bureau Chief sa taong nagrereklamo sa
pamamagitan ng sulat.

(3) Kung hindi nasisiyahan ang taong nagrereklamo sa tugon ng Bureau
Chief, maaari siyang mag-apela sa pamamagitan ng pagsulat sa Court
Executive Officer sa loob ng 30 araw pagkatapos matanggap ang
tugon ng bureau chief. Ipapaalam ang pagkilos na isinagawa ng Court
Executive Officer sa apela sa taong nagrereklamo sa pamamagitan ng
sulat at hindi na ito mababago.

(b) Ex parte na pakikipag-ugnayan sa mga counselor na nagrerekomenda kaugnay ng kustodiya sa bata

Hindi dapat magkaroon ng ex parte na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng sinumang counselor na nagrerekomenda kaugnay ng kustodiya sa bata at

Title 5 Table of Contents 5 - 18

Exceptions & meaning →

Page 19

sinumang abugado o partidong nauugnay sa kaso maliban sa isinasaad sa seksyon 216 ng Kodigo ng Pamilya. Hindi maaaring magbigay ang sinumang abugado o partido ng mga dokumento tungkol sa kaso sa tagapayo na nagrerekomenda kaugnay ng kustodiya sa bata hangga't hindi pa nakapagbibigay ng kopya ng mga dokumento sa kabilang partido at sa abugado ng menor de edad, kung mayroon man.

(c) Testimonya ng tagapayo na nagrerekomenda kaugnay ng kustodiya ng bata

Ang subpoena na nag-aatas sa pagharap ng tagapayo na nagrerekomenda kaugnay ng kustodiya ng bata sa deposition o pagdinig ay dapat personal na ihatid sa Mga Serbisyo ng Pampamilyang Hukuman nang hindi bababa sa sampung araw bago ang petsa ng pagharap kasama ang bayad sa saksi na iniaatas ng seksyon 68097.2 ng Kodigo ng Pamahalaan.

Inamyendahan ang Panuntunan 5.75 noong Enero 1, 2026; huli itong inamyendahan noong Enero 1, 2012; pinagtibay ito bilang panuntunan 11.3.4 at 11.4.7 noong Mayo 19, 1998; dati itong inamyendahan noong Enero 1, 2004, Hulyo 1, 2006, at Enero 1, 2007; dati itong inamyendahan at ginawang Panuntunan 5.75 noong Enero 1, 2008.

Panuntunan 5.80. Pagsusuri sa kustodiya sa bata

(a) Pag-aalis ng tagasuri

Hindi pinapahintulutan ang anumang peremptory challenge ng tagasuri ng kustodiya sa bata na itinalaga ng hukuman.

(b) Pag-alis ng tagasuri

Maaaring magsumite ang tagasuri ng aplikasyon sa hukuman para sa isang kautusang pinahihintuluta ang tagasuri na umalis sa isang kaso sa pamamagitan ng ipinaalam na mosyon at maaari siyang magsumite ng ex parte na aplikasyon para sa isang kautusang magpapaikli sa tagal ng serbisyo at pagdinig sa nasabing mosyon.

(c) Mga reklamo tungkol sa pagganap ng tagasuri

(1) Para sa mga layunin ng prosesong ito, tumutukoy ang "pagkilos" sa
paglilitis kaugnay ng pampamilyang batas kung saan itinalaga ng
hukuman ang tagasuri.

(2) Maaaring maghain ng reklamo tungkol sa pagganap ng tagasuri ang
isang kumikilos na partido, kabilang ang isang guardian ad litem, at
sinumang abugadong itinalaga para kumatawan sa menor de edad.

Title 5 Table of Contents 5 - 19

Exceptions & meaning →

Page 20

(3) Ang isang taong nais magreklamo tungkol sa pagganap ng tagasuri ay dapat magreklamo nang pasulat at ibigay ang orihinal na reklamo sa tagasuri nang hindi lalampas sa 20 araw pagkatapos ng pangyayaring naging sanhi ng reklamo o sa loob ng 20 araw mula nang matanggap ang ulat ng tagasuri, alinman ang mas mahuhuli.

(4) Dapat ay mabigyan ng tagasuri ang nagrereklamo ng nakasulat na
tugon sa reklamo nang hindi lalampas sa sampung araw ng hukuman
pagkatapos matanggap ang reklamo. Nang hindi tinatanggap ang
katumpakan ng mga nilalaman ng reklamo, maaaring hilingin ng
tagasuri sa hukuman na alisin siya sa pagkakatalaga at, kung
naaangkop, magtalaga ng ibang tagasuri.

(5) Kung hindi mareresolba ang reklamo sa tugon na ibinigay ng tagasuri,
dapat ay ibigay ng nagrereklamo ang kopya ng reklamo at ang tugon
ng tagasuri, kung mayroon man, sa nangangasiwang hukom para sa
mga usapin sa pampamilyang batas, na hindi na magbabago ang
desisyong nauugnay sa nagrereklamo, na maaaring kinabibilangan ng
pag-aalis sa tagasuri sa panel ng mga tagasuri ng kustodiya sa bata
na ginamit ng hukuman.

(d) Pagiging kumpidensyal ng mga ulat

Sa anumang paglilitis na nauugnay sa kustodiya o pagbisita sa mga menor de edad na anak, dapat markahan at panatilihing kumpidensyal at hindi available ang anumang nakasulat na ulat o rekomendasyon kaninuman maliban sa hukuman, abugado ng menor de edad, mga partido, kanilang mga abugado, at sinumang binigyan ng hukuman ng access sa pamamagitan ng nakasulat na kautusan na ginawa nang may paunang abiso sa lahat ng partido. Ang sinumang nagkaroon ng access sa ganitong uri ng kumpidensyal na ulat ay hindi maaaring gumawa ng mga kopya nito, o ihayag ang mga nilalaman nito sa sinumang bata o third party kung walang kautusang nagpapahintulot ng paghahayag nito.

(e) Ex parte na pakikipag-ugnayan sa mga tagasuri

Hindi dapat magkaroon ng ex parte na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng tagasuri sa kustodiya sa bata na itinalaga ng hukuman at ng sinumang abugado o partidong nauugnay sa kaso maliban sa isinasaad sa seksyon 216 ng Kodigo ng Pamilya. Hindi maaaring magbigay ang sinumang abugado o partido ng mga dokumento tungkol sa kaso sa tagasuri hangga't hindi pa nakapagbibigay ng kopya ng mga dokumento sa kabilang partido at sa abugado ng menor de edad, kung mayroon man. Sa panuntunang ito, walang

Title 5 Table of Contents 5 - 20

Exceptions & meaning →

Page 21

pumipigil sa tagasuri na makipag-ugnayan sa sinumang tinutukoy niya na kinakailangang konsultahin para makumpleto ang ulat.

Inamyendahan at ginawang Panuntunan 5.80 noong Enero 1, 2008; pinagtibay bilang panuntunan 11.4 at 11.6 noong Mayo 19, 1998; dating inamyendahan noong Enero 1, 2004, Hulyo 1, 2006, at Enero 1, 2007.

Panuntunan 5.82. Mga reklamo tungkol sa mga abugadong itinalaga ng hukuman para sa bata

Maaaring maglahad ng reklamo tungkol sa pagganap ng itinalagang abugado ang anumang partido, abugado, o menor de edad na anak sa paglilitis kaugnay ng pampamilyang batas kung saan nagtalaga ang hukuman ng abugado para sa menor de edad na anak o mga anak. Dapat ay nakasulat ang reklamo at dapat itong ibigay sa lahat ng abugado at partidong kinakatawan ang kanilang sarili, at dapat itong ipadala sa clerk ng hukuman para sa nangangasiwang hukom ng pampamilyang batas at dapat ding magpadala ng kopya sa clerk ng hukuman ng nakatalagang bench officer sa kaso. Maaaring ipasa ng nangangasiwang hukom sa nakatalagang bench officer ang reklamo o maaari niyang direktang pangasiwaan ang usapin at maaari niyang gawin ang alinman sa o ang lahat ng sumusunod:

(1) Tumugon sa reklamo;

(2) Humiling ng nakasulat na tugon o mga nakasulat na komento;

(3) Imbestigahan ang reklamo; o,

(4) Magtakda ng pagdinig tungkol sa reklamo.

Ibibigay ang nakasulat na tugon sa taong naglalahad ng reklamo at sa lahat ng abugado at partidong kinakatawan ang kanilang sarili, at magpapadala ng kopya nito sa bench officer na nakatalaga sa kaso. Dapat ay panatilihin ng hukuman ang lahat ng materyal na sinuri na nauugnay sa pagtugon sa reklamo alinsunod sa patakaran ng hukuman sa pagpapanatili ng record.

Pinagtibay ang Panuntunan 5.82 noong Hulyo 1, 2010.

Panuntunan 5.85. Pribadong pamamagitan ayon sa stipulation

Maaaring gumawa ng stipulation para sa pagtatalaga ng pribadong nagrerekomendang tagapamagitan sa pamamagitan ng pagsusumite ng Stipulation at Kautusang Nagtatalaga ng Pribadong Nagrerekomendang Tagapamagitan sa Kustodiya sa Bata (Lokal na Form na ALA FL-002).

Pinagtibay ang Panuntunan 5.85 noong Enero 1, 2008.

Title 5 Table of Contents 5 - 21

Exceptions & meaning →

Page 22

Panuntunan 5.95. Mga komisyonado sa Titulo IV-D

Diringgin ang lahat ng kaso sa Titulo IV-D sa Bulwagang Pangkatarungang George E. McDonald o sa Bulwagang Pangkatarungan ng Hayward. Itatalaga ang mga kaso mula sa Hukumang Gale/Schenone sa isang komisyonado na nagsisilbi sa Bulwagang Pangkatarungan ng Hayward para sa lahat ng layunin basta't nakikibahagi sa pagpapatupad ang Departamento ng Mga Serbisyo sa Suporta sa Bata.

Inamyendahan ang Panuntunan 5.95 noong Enero 1, 2012; pinagtibay ito bilang panuntunan 11.10 noong Mayo 19, 1998; dati itong inamyendahan noong Enero 1, 2004; dati itong inamyendahan at ginawang Panuntunan 5.95 noong Enero 1, 2008.

Panuntunan 5.100. Mga sanction

Ang anumang partido o sinumang abugado na hindi sumusunod sa mga probisyon ng kabanatang ito o sinumang mahuhuli sa pagharap sa pagdinig, kumperensya, o paglilitis, ay papatawan ng mga sanction, na kinabibilangan ng, pero hindi limitado sa, summary determination ng anumang pinagtatalunang isyu alinsunod sa mga papeles ng kabilang partido, sa pagsusuri ng bayad sa abugado ang mga gastusin, o sa pagsasagawa ng naaangkop na pagkilos ayon sa kalendaryo.

Inamyendahan at ginawang Panuntunan 5.100 noong Enero 1, 2008; pinagtibay bilang panuntunan 11.7 noong Mayo 19, 1998.

Title 5 Table of Contents 5 - 22

Exceptions & meaning →

GoCodebook provides public access, search, citation, multilingual explanation, and practical interpretation of legally adopted building regulations. It is not a substitute for the official ICC or California code publications.