Skip to content

State statute

Fannie Mae Mortgage Modification, Re-amortization or Extension Form – Tagalog

California foreclosure, tax-defaulted, court-ordered and probate-sale law and official procedures — verbatim and citable.

Edition
2026-09-26
Last updated
2026-09-27
Jurisdiction
California

Fannie Mae Mortgage Modification, Re-amortization or Extension Form – Tagalog

Exceptions & meaning →

Page 1

[Ang Espasyo sa Itaas ng Linyang Ito ay para sa Pagtatala ng Data]

KASUNDUAN PARA SA PAGBABAGO, RE-AMORTIZATION, O
PAGPAPAHABA NG TERMINO NG MORTGAGE

Binabago at dinaragdagan ng Kasunduan para sa Pagbabago, Reamortization, o Pagpapahaba ng Termino ng
Mortgage ("Kasunduan") na ito, na ginawa ngayong ika- (na) araw ng , ,
sa pagitan ni (ang "Borrower") at ni
(ang "Lender"), (1) ang Mortgage, Deed of Trust, o Deed ng Security ("Dokumento ng Security") na may petsang
_ at nakatala sa Aklat o Liber na , sa pahina ,
ng Mga Talaan ng ng (2) ang Tala, na kapareho ng
(Pangalan ng Mga Talaan) (County at Estado, o iba pang Hurisdiksyon)
petsa at pinoprotektahan ng Dokumento ng Security, at (3) ang mga dating pagpapahaba ng termino o pagbabago sa Tala at
Dokumento ng Security, kung mayroon man. Sa Kasunduang ito, tinatawag na "Mortgage" ang Tala at ang Dokumento ng
Security, kasama ng anumang dating pagpapahaba ng termino o pagbabago sa mga ito. Sinasaklaw ng Mortgage ang tunay at
personal na ari-ariang inilalarawan at tinatawag na "Ari-arian" sa Dokumento ng Security. Matatagpuan ang Ari-arian sa

,
(Address ng Ari-arian)
at binibigyang-kahulugan ang inilalarawang tunay na ari-arian gaya ng sumusunod:

Alinsunod sa mga napag-usapang pangako at kasunduan, sumasang-ayon ang mga partido sa mga sumusunod
(nang hindi napapawalang-bisa ang anumang nilalaman ng Mortgage na sumasalungat dito):

1. Sa ilalim ng mga tuntunin ng Mortgage, sa unang araw ng buwan, kung kailan ginawa ang Kasunduang ito,
mayroon pang hindi nababayarang kabuuang halagang U.S.$ sa principal, $
sa interes nito, $ sa mga paunang bayaring ginawa ng Lender (ang nagbigay ng loan)
sa ilalim nito, at U.S. $ sa interes ng mga paunang bayaring ito, na pumapatak sa kabuuang
halagang U.S. $ , na siyang pagkakautang ng Borrower (ang kumuha ng loan) sa Lender sa
ilalim ng Mortgage.

AGREEMENT FOR MODIFICATION, RE-AMORTIZATION, OR EXTENSION OF A MORTGAGE – California Department of Financial Protection and Innovation Translation of Fannie Mae Form (Tagalog) (Page 1 of 3)

Exceptions & meaning →

Page 2

  1. Dapat ay nakatanggap o makatanggap ang Lender ng halagang U.S. $ mula sa Borrower, na ilalapat sa hindi pa nababayarang balanse ng principal (kabilang ang mga paunang bayarin, kung mayroon man), at ng halagang U.S. $ , na ilalapat sa interes para sa hindi pagsunod na dapat bayaran bilang bahagi ng balanse ng principal (kabilang ang mga paunang bayarin, kung mayroon man), at ang bawat isa sa mga halagang ito ay ilalapat mula sa petsa ng Kasunduang ito.

  2. Pagkatapos ilapat ang mga halagang ibibigay ng Borrower ayon sa inilalarawan sa talata 2, ipinapangako ng Borrower na bayaran ang Lender ng U.S. $ ("Hindi Pa Nababayarang Balanse ng Principal"), pati ng interes sa Hindi Pa Nababayarang Balanse ng Principal sa taunang rate na % mula , . Maaaring magbago ang rate ng interes na babayaran ng Borrower alinsunod sa mga tuntunin ng Mortgage. Ang halaga ng buwanang bayarin sa principal at interes ng Borrower ay U.S. $ , na ibabayad sa Lender mula sa ika-____ (na) araw ng , _ _ . Maaaring magbago ang halaga ng buwanang bayarin ng Borrower alinsunod sa mga tuntunin ng Mortgage. Patuloy na magbibigay ng mga buwanang bayad ang Borrower sa parehong araw ng bawat susunod na buwan hanggang sa mabayaran nang buo ang principal at interes. Kung pagsapit ng ("Petsa ng Pag-mature") ay mayroon pa ring hindi nababayarang halaga ang Borrower sa ilalim ng Mortgage ayon sa mga pagbabagong ginawa sa Kasunduang ito, babayaran ng Borrower ang mga halagang ito sa Petsa ng Pag-mature.

  3. Kung ibinenta o inilipat ang Ari-arian o anumang bahagi nito, o ang anumang interes sa Ari-arian (o kung ang Borrower ay hindi indibidwal na tao at may kapaki-pakinabang na interes sa Borrower na ibinenta o inilipat) nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Lender, maaaring iatas ng Lender na agad na bayaran nang buo ang lahat ng halagang pinoprotektahan sa ilalim ng Mortgage.

Kung isasagawa ng Lender ang opsyong ito, dapat bigyan ng Lender ang Borrower ng abiso ng agarang pagbabayad. Dapat magbigay ang abiso ng hindi bababa sa 30 araw mula sa paghahatid o pagpapadala nito, at sa panahong ito, dapat bayaran ng Borrower ang lahat ng halagang pinoprotektahan sa ilalim ng Mortgage. Kung hindi makakapagbayad ang Borrower bago matapos ang panahong ito, maaaring patawan ng Lender ng anumang remedyong pinapahintulutan ng Mortgage ang Borrower, nang walang anumang abiso o pag-aatas.

  1. Dapat ding sundin ng Borrower ang lahat ng iba pang panata, kasunduan, at pag-aatas ng Mortgage, kabilang nang walang limitasyon ang mga panata at kasunduan ng Borrower hinggil sa pagbabayad ng mga buwis, premium ng insurance, pagsusuri, item sa escrow, impound, at lahat ng iba pang pagbabayad na obligasyong gawin ng Borrower sa ilalim ng Mortgage.

  2. Nauunawaan at sinasang-ayunan ng Borrower na:

(a) Ang lahat ng karapatan, remedyo, pag-aatas, at kundisyon na sinasaklaw ng Mortgage kaugnay ng hindi pagbabayad ng mga bayarin sa ilalim ng Mortgage ay malalapat din sa hindi pagbabayad ng mga bayaring nabago sa Kasunduang ito.

(b) May bisa at mananatiling may bisa ang lahat ng panata, kasunduan, pag-aatas, at kundisyon sa Mortgage, maliban sa
mga bahaging binago sa dokumentong ito, at hindi mababawasan o maaalis ng anumang probisyon dito ang anuman
sa mga obligasyon o pananagutan ng Borrower sa ilalim ng Mortgage, at hindi rin mapipigilan, mababawasan, o
maaapektuhan sa anumang paraan ng Kasunduang ito ang anuman sa mga karapatan o remedyo na mayroon ang
Lender sa Mortgage, mag-ugat man ang gayong mga karapatan o remedyo roon o sa pamamagitan ng batas.
Gayundin, tahasang nakalaan sa Lender ang lahat ng karapatan sa pag-aatas na magbayad na mayroon ang Lender
para sa anumang ari-arian o laban sa sinumang iba pang taong may obligasyon o pananagutan sa ilalim ng Mortgage.

(c) Walang anumang bahagi ng Kasunduang ito ang dapat intindihin o isipin bilang pagsasawalang-bisa o pagtupad ng
obligasyon sa Mortgage o sa anumang bahagi nito.

(d) Sumasang-ayon ang Borrower na gumawa at magbigay ng iba pang dokumento o papeles na maaaring
kinakailangan o iniaatas upang maipatupad ang mga tuntunin at kundisyon ng Kasunduang ito, na kung
aaprubahan at tatanggapin ng Lender, ay ipapataw at magtatali sa mga tagapagmana, tagapagpatupad,
tagapamahala, at taong itinalaga ng Borrower.

(Selyo) (Selyo)
-Lender -Borrower

Inihanda ni/ng: (Selyo)
-Borrower

AGREEMENT FOR MODIFICATION, RE-AMORTIZATION, OR EXTENSION OF A MORTGAGE – California Department of Financial Protection and Innovation Translation of Fannie Mae Form (Tagalog) (Page 2 of 3)

Exceptions & meaning →

Page 3

Petsa ng Paglagda ng Lender

[Ang Espasyo sa Ibaba ng Linyang Ito ay para sa Mga Pagkumpirma]

AGREEMENT FOR MODIFICATION, RE-AMORTIZATION, OR EXTENSION OF A MORTGAGE – California Department of Financial Protection and Innovation Translation of Fannie Mae Form (Tagalog) (Page 3 of 3)

Exceptions & meaning →

GoCodebook provides public access, search, citation, multilingual explanation, and practical interpretation of legally adopted building regulations. It is not a substitute for the official ICC or California code publications.